Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal, Rider

Rider na muntik ma-heat stroke iniligtas ng Krystall Herbal Oil at mga payo at turo ni Fely Guy Ong

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Good morning po sa inyong lahat. Sa gitna ng mainit na panahon, umaasa po ako na tayong lahat ay nasa maayos na estado ng kalusugan.

         Ako po si Ferdinand Laminosa, 35 years old, isang delivery rider, kasalukuyang  residente sa Sta. Maria, Bulacan.

         Gusto ko pong i-share ang aking naranasan nitong nakaraang Semana Santa. Muntik na po akong ma-heat stroke o puwede rin sabihin na na-heat stroke na ako pero nailigtas ako ni misis dahil alam niya ang gagawin. Si misis po kasi ay masugid ninyong tagasubaybay at tagapakinig at kayo po ang nagsisilbing gabay namin sa kalusugan katuwang ang inyong Krystall herbal products.

         Heto na nga po, buti na lang po, nasabi ko sa misis ko na sobrang init ng pakiramdam ko at parang uhaw na uhaw ako kahit panay ang inom ko ng tubig.

“Hala,” sabi niya, “baka ma-heat stroke ka. Halika pasok ka muna sa loob ng bahay.”

         Pagpasok po sa loob ng bahay, binuksan niya ang electric fan pero hindi niya itinutok sa akin, hinawi niya ang mga kurtina sa mga bintana para maging maayos ang bentilasyon sa loob ng bahay. Napakataas kasi ng aking temperature. Kumuha siya ng tubig at nilagyan ng suka, ipinunas nang ipinunas sa akin hanggang maging normal ang temperatura ng aking katawan.

         Nang maging normal ang temperature ko, hinaplos nang hinaplos niya ng Krystall Herbal Oil ang aking leeg, ang aking tiyan, ang aking mga braso, at mga paa. Kasunod  no’n pinainom niya ako ng tubig na maligamgam para mapawi ang aking pagkauhaw. Maya-maya okey na po ang aking pakiramdam.

         Ikinuwento ko po ang nangyari sa akin sa aking kapuwa riders, at pinayohan na magdala lagi ng suka at Krystall Herbal Oil, just in case na may mangyaring ganoon sa kanila. Pero ipinaalala ko sa kanila na higit sa lahat dapat pakiramdaman nila ang nararamdaman ng kanilang katawan.

         Simula noon, ang mga kasama kong riders ay naging tagasubaybay na rin ng programa at livestreaming ninyo ganoon din ng kolum ninyo sa HATAW Diyaryo ng Bayan.

         Sa bahagi po ng pamilya namin, kami po ay nagpapasalamat dahil sa inyong mga imbensiyon, mga turo at payo kung ano ang mga dapat gawin sa panahon ng krisis sa kalusugan.

         God bless you po Madam Fely.

Ang inyong tagasubaybay,

FERDINAND LAMINOSA

Sta. Maria, Bulacan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

Boracay Platinum International Open Water Swim Race

Boracay Platinum International Open Water Swim Race, nakatakdang idaos sa Marso 2026

ISLAND NG BORACAY, Malay, Aklan — Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Lalawigan …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …