Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
MAGANDANG araw sa inyong lahat.
Nais po nating ipaalala sa ating mga tagapakinig at tagasubaybay na huwag balewalain ang sobrang init na inyong mararamdaman upang makaiwas sa heat stroke.
Ilan sa mga palatandaan o sintomas ng heat stroke ang temperatura na higit sa 40°C.
Mararamdaman o makikita ninyo mainit, namumula, at nanunuyo ang balat. Puwede rin mawalan ng malay, magkombulsiyon, o minsan ay mawala sa sarili.
Puwede rin mahilo, may pananakit ang ulo, pagsusuka, at pangangalay o pamumulikat ng kalamnan.
Alinman man diyan kapag inyong naramdaman ay huwag balewalain.
Kapag naramdaman ito, ano ang dapat gawin?
Narito ang mga paunang lunas na maaaring gawin sa mga taong nakararanas nito.
Ilipat sa malilim o malamig na lugar; tanggalin ang mga damit na mainit sa katawan at palitan ng komportable; paypayan o itapat sa electric fan; wisikan ng tubig na may suka ang buong katawan; puwedeng maglagay ng ice packs sa pisngi, palad, at talampakan.
Higit sa lahat, huwag tigilan ang paghaplos ng Krystall Herbal Oil sa nakararanas ng heat stroke hanggang maging normal ang temperature ng kanyang katawan.
Upang maiwasan ang heat stroke, huwag lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan.
Panatilihing maayos ang bentilasyon sa loob ng inyong bahay.
Ingat po.