RATED R
ni Rommel Gonzales
KINUMUSTA namin si Gabby Eigenmann sa kanyang pagbabalik-taping ng My Guardian Alien, matapos ang isang malungkot na karanasan at marahil ay patuloy niyang pagluluksa sa pagpanaw ng aktres na si Jaclyn Jose na stepmother ni niya.
Si Jaclyn ay naging karelasyon ng ama ni Gabby na si Mark Gil na pumanaw noong March 2 dahil sa heart attack.
Lahad ni Gabby, “Actually masasabi ko na yes it’s nice to go back to work kasi nga these past few weeks eh medyo…has really been heavy, sa family.
“But… actually in the middle of the whole week, na during the process of the wake nakapagtrabaho ako in between. I just needed a new scenery.
“So that helped a lot,” pakli pa ni Gabby.
“And ngayon we’re still in constant communication kami ng mga kapatid ko especially si Andi,” banggit naman ni Gaby tungkol sa half-sister niyang si Andi Eigenmann na anak nina Jaclyn at Mark, “we’re okay.
“We’re okay, we’re holding on to each other, we’re giving each other strength, as we face new life.
“Okay naman, okay,” ang tila malungkot pa ring pahayag ni Gabby.
Sa serye ay si Dr. Ceph si Gabby na bida sina Marian Rivera bilang si Katherine at Gabby Concepcionbilang si Carlos kasama sina Raphael Landicho as Doy, at Max Collins as Venus.
Kukompleto sa cast sina Marissa Delgado as Nova, Kiray Celis as Marites, Josh Ford as Aries, Caitlyn Stave as Halley, at Christian Antolin as Sputnik.
Napapanood ito weeknights, 8:50 p.m. sa GMA Prime sa direksiyon ni Zig Dulay.