Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Ako po si Yollynarda Dimalanta, 48 years old, maybahay, nakatira sa Quezon City.
Ang ise-share ko po, ang pasma na nakukuha sa init-lamig ng panahon, ay kayang pakalmahin ng imbensiyon ninyong miracle oil — ang Krystall Herbal Oil.
Alam naman nating lahat na kahit sabihing tag-init na, nararamdaman pa rin natin ang super lamig na panahon sa madaling araw.
Ang amin pong barangay ay malapit na sa San Mateo at Montalban kaya ramdam pa po namin ang lamig sa madaling araw.
Ang siste po, bandang 9:00 am na, sobrang init na ang nararamdaman namin. Kaya marami sa kapitbahay ko, may sipon at ubo.
Kaya naman hinikayat ko silang gumamit ng Krystall Herbal Oil. Maghaplos bago matulog para labanan ang lamig ng panahon nang sa gayon ay mapanatiling nasa tamang temperatura ang katawan.
Sabi ko sa mga kapitbahay ko, para hindi nahihirapan mag-adjust ang aming mga katawan at pakiramdam panatilihin sa katamtamang temperature ang katawan.
Kapag sobrang init, sinabi ko sa kanila na sundin ang payo ninyo na dalasan ang pag-inom ng tubig. Huwag labas pasok sa mga mall na naka-air-conditioned, lalo na kung mainit na mainit ang panahon, dahil ito ay maaaring pagmulan ng heat stroke.
Mahaba pa ang tag-init pero naniniwala ako na ang Krystall Herbal Oil ang dapat naming kapiling. Maraming salamat po at sana’y huwag kayong magsawang magbigay ng payo sa ating mga kababayan.
Sumasainyo,
YOLLYNARDA DIMALANTA
Quezon City