I-FLEX
ni Jun Nardo
TIME out muna si Vilma Santos-Recto sa pamumuno at pagiging catertaker ng isang distrito sa Batangas ayon sa kapwa kolumnista namin dito na si Ambet Nabus.
Kagagaling lang sa abroad ni Ambet pero may inaasikaso siyang project para kay Ate Vi na hindi muna namin sasabihin.
Ayon kay Ambet, tinaggihan ni Ate Vi na pamunuan ang Film Development Council of the Philippines bilang kapalit ni Tirso Cruz III. Personal reasons ang rason ni Ate Vi na inirerespeto naman ng gustong mag-appoint sa kanya.
Ayon pa kay Ambet, pati raw maging caretaker ng isang distrito ng Batangas eh hindi tinanggap ni Ate Vi. Retired na raw siya politika.
Ini-enjoy ni Ate Vi ang buhay niya ngayon with her husband and son, Ryan, at ang pagiging lola sa anak ni Luis.
Kapag may script na nagustuhan, gagawa pa rin ng movie ang Star For All Seasons.