Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong
Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Kulugo nalusaw sa Krystall herbal oil

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

Dear Sis Fely Guy Ong,

         Good morning po sa inyong lahat, Sis Fely.

Akala ko noong araw, mahirap matanggal ang kulugo, maling akala pala iyon — dahil sa Krystall Herbal Oil, ang kulugo ay parang libag na  hihilurin hanggang matanggal pati ‘mata’ o ‘ugat’ nito sa ating balat.

Ako po si Maria Ana Sacristan, 38 years old, residente sa Valenzuela City at nagtatrabaho sa isang restaurant dito.

All around po ako sa resto, minsan assistant ng kusinero, minsan dish washer, minsan naman tagapamalengke, bukod pa sa pagiging service crew.

Hindi po ako umaangal sa trabaho, mas mahirap po kasi kapag walang trabaho. Marami rin po akong natututuhan dito sa trabaho ko na eventually kapag naisipan kong magnegosyo ay magagamit ko.

Anyway, dahil po sa trabaho ko, isang araw napansin ko ang rami kong maliliit na kulugo (warts) sa mga daliri ko. Maliliit lang naman saka mapuputi, pero sabi ng isang katrabaho ko, kakalat daw iyon kapag hindi ko ginamot.

E nagkonsulta po ako sa derma, ang mahal po pala. Hindi ko naman kaya ang sunog ng sigarilyo kasi madadamay pati ‘yung ibang part ng skin baka mapaltos pa ako.

May nabili akong sabi cashew ointment daw iyon, pero hindi naman tumalab.

Hanggang pinayohan ako ng isang kaibigan na gumamit ng Krystall Herbal Oil. Sabi niya, basta hugasan ko maigi ang aking mga kamay tapos bago matuyo ay ikuskos ko ang Krystall Herbal Oil na nasa bulak. Tiyagain ko lang daw, sa umaga pagtapos maligo at sa gabi bago matulog. Sinunod ko po iyon at talagang pinaglaanan ko ng oras.

Noong mga two weeks na pero wala pang nangyayari parang gusto ko nang sumuko. Pero paglipas pa ng dalawang araw nagulat ako, kapag nangangati ang kulugo at nakakamot ko parang may natatanggal na nadudurog na balat. Nang kapain at tingnan kong maigi, aba, natanggal na pala ang kulugo.

Ay talagang ang laking pasasalamat ko Sis Fely. Bilib na bilib po ako sa imbensiyon ninyo. Maraming, maraming salamat po, dahil ngayon ay makinis na ulit ang aking mga kamay.

God bless po…

MARIA ANA SACRISTAN

Valenzuela City

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Fely Guy Ong

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …