SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
NATAWA kami kay Kim Chiu nang humirit ito kay Paulo Avelino sa mediacon ng bago nilang serye mula Dreamscape at Viu, ang Pinoy version ng hit K-drama series na What’s Wrong With Secretary Kimng , “Ano ba ‘yung love? Nakalimutan ko na!”
Tila nahirapang sagutin ni Kim ang tanong kung ano ba ang mga “unusual thing” na nagawa niya dahil sa pag-ibig.
“Puwedeng ano, call a friend?,” natatawa nitong tugon. “Siya na muna ang sasagot, si Sarah (sabay turo kay Angeline Quinto na kasama rin sa serye).
“Ang hirap naman. Ano ba ‘yung love? Nakalimutan ko na, eh!” natatawa muling sabi ni Kim at saka naman bumaling kay Paulo sabay sabi ng, “Ipapaalala mo ba?”
“Siguro ano, ito, itong ‘Secretary Kim’. Dahil sa pagmamahal ko bilang katrabaho ka, at sa trabahong ibinigay mo sa ‘Linlang’ so, pambawi sa ‘yo. So I’m here at ‘Secretary Kim’ to give back,” sagot ni Paulo kay Kim bilang pagpapahalaga niya sa aktres na nakatrabaho at naging kaibigan na rin dahil na rin sa Linlang.
“Sobrang funny siya rito, hindi na siya si Paolo Avelino,” tsika pa ni Kim.
Biglang hirit naman ni Paulo, “Teka lang pagmamahal ‘yung pinag-uusapan bakit mo tsini-change topic?”
“Siyempre pinupuri kita. I think if it was offered to me and if it wasn’t Kim, I would probably have second thoughts,” sabi pa ni Paulo.
“Sobrang giving ko talaga na tao, parang ayokong nale-left out or nao-OP (out of P
place) or something. I always give as long as I can give, kasi wala namang mawawala sa akin kung magbibigay ako e’, parang siguro hindi ko alam kasi ‘yung sagot niya nalito tuloy ako.
“Pero unusual na bagay? Siguro marami ka namang magagawang unusual kapag nagmahal ka, parang hindi na ‘yun unusual sa ‘yo parang normal na sa’yo ‘yun kapag andoon ‘yung love so, hanggang doon na lang muna,” sambit ni Kim.
Mapapanood ang What’s Wrong With Secretary Kim simula March 18 sa streaming app na Viu. Ito’y mula sa ABS-CBN Studios at Dreamscape Entertainment.
Kasama rin dito sina Jake Cuenca, Janice de Belen, Angeline Quinto, Romnick Sarmenta, Gillian Vicencio, Yves Flores, JC Alcantara, Cai Cortez, mula sa direksiyon ni Chad Vidanes.