ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
ANG Newbie singer na si Mia Japson ay mapapakinggan sa kanyang debut single titled Pintig, under Vehnee Saturno Music
Ito ay mula sa kilalang composer na si Vehnee Saturno. Actually, ang single na ito ni Mia ay isang revival na originally ay galing kay Ella Mae Sayson ng single na pinamagatang Bakit Ba, released noong 1990’s.
Pero sa ipinarinig na rendition ni Mia sa mga member ng press sa kanyang launching, ibang-iba ang timpla ng single niyang Pintig. Sabi nga ni Vehnee, “Nang nag-recording ang bata (Mia), nagulat ako sa version niya. Which is unexpectedly… it’s completely different from the first version, inari niya yung kanta.”
Pang-bagets o pang-millennials ang title at ang version ni Mia ng kanyang debut single na tiyak na masasakyan ng mga kabataan ngayon.
Si Mia ay Grade 9 sa APEC school at bukod sa pagkanta, kabilang sa talento niya ang pagiging composer, dancer, at painter. Siya ay nag-workshop sa Repertory Philippines, GForce Dance Center, at Voices Studio Company. Kabilang sa naka-impluwensiya sa kanya sa pagkahilig sa musika ang kanyang kapatid na member ng Chinese orchestra.
Ano ang reaction niya ngayong nagsimula na ang kanyang journey as a singer and recording artist? kinakabahan ba siya?
Nakangiting pakli ni Mia, “Most definitely yes, kinabahan po ako. But I’m willing to see where this will take me.”
Masasabi niya bang pang Gen-Z o pang millennials ang kanyang debut single? “I wouldn’t be the person to say which this is for, but more of the people who will listen to it. The song is about unrequited love and confusion towards your feelings for someone. And that topic isn’t stuck to one generation, all generations may have felt this, so it really isn’t up to me to describe which generation the song is really for.”
Nagpasalamat din si Mia sa kanyang supportive parents na sina Mrs. Lorna at Mr. Jun Tuazon.
Masayang wika ng 14 year old na bagets, “They’re very supportive, and I’m happy about that. At first I was really scared to show them the songs I’ve made overtime but honestly I’m happy that they’re happy with the song that we’ve recorded. Thank you for supporting me, I know we don’t say this much but I love you both very much, and I hope the things I do will make you proud.”
Si Mia ay mapapanood very soon sa YouTube show nilang Krazy-X sa ilalim ng pamamahala ni Direk Obette Serrano at sa concept ni Audie See, na siya ring manager ng talented na newcomer.