Sunday , December 22 2024
Sa kasong Statutory Rape LAGUNA REGIONAL LEVEL NA MWP INARESTO NG MAGDALENA POLICE

Sa kasong Statutory Rape
LAGUNA REGIONAL LEVEL NA MWP INARESTO NG MAGDALENA POLICE

CAMP B/GEN. PACIANO RIZAL – Arestado ang isang most wanted person (MWP) sa regional level sa inilunsad na manhunt operation ng Magdalena PNP kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Col. Gauvin Mel, Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office, ang akusado na isang alyas Efren residente sa Magdalena, Laguna.

Sa ulat ni P/Cpt. Errol Frejas, hepe ng Magdalena Municipal Police Station, nagkasa ang kanilang warrant personnel ng manhunt operation nitong Linggo, 25 Pebrero 2024 dakong 11:20 am sa Brgy. Bucal, Magdalena, Laguna.

         Ikinasa ang manhunt operation sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Family Court, Fourth Judicial Region, Branch 6, Sta. Cruz, Laguna na nilagdaan ni Hon. Suwerte L. Ofrecio, Presiding Judge, na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Efren, nahaharap sa kasong Statutory Rape, walang inirekomendang piyansa.

Sa Kasalukuyan, nasa kustodiya ng Magdalena MPS ang arestadong akusado. Agad inimpormahan ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest sa pagkakaaresto nito.

Sa pahayag ni P/Col. Unos, Acting Provincial Director ng Laguna PPO, “Akoy nagpapasalamat sa ating mga kababayan sa kanilang pagtulong at pagsuporta sa pulisya para sa matagumpay na pagkakaaresto ng mga taong nagtatatago sa batas.” (BOY PALATINO)

About Boy Palatino

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …