Friday , November 15 2024
Wanted na mga criminal, drug dealer sa Bulacan kinalawit

Wanted na mga criminal, drug dealer sa Bulacan kinalawit

NAGSAGAWA ng matagumpay na operasyon ang pulisya ng Bulacan kamakalawa, na nagresulta sa pagkaaresto ng mga indibidwal na sangkot sa mga kriminal na aktibidades sa lalawigan. 

Ang mainit na bugso ng mga operasyong ito ay humantong sa pagkaaresto sa ilang wanted na mga kriminal at isang nagbebenta ng droga.

Sa ulat na ipiadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, sa epektibong pagtugis at paghahanap sa mga kriminal na inilatag ng mga operatiba ng 2nd PMFC at Sta. Maria MPS, ay nagbunga sa pagkaaresto ng dalawang indibiduwal. 

Sa Barangay Pinagbarilan, Baliuag, Bulacan, ang 2nd PMFC, katuwang ang Baliwag City PS, ay nagsilbi ng warrant of arrest laban kay M Joson para sa krimeng Qualified Theft. 

Samantalang sa Poblacion, Santa Maria, ang tracker team ng Santa Maria MPS ay inaresto si R Maasin dahil sa kasong reckless imprudence resulting in damage to property. 

Ang mga naarestong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting unit o istasyon para sa kaukulang disposisyon na ihahain sa korte..

Isa namang drug dealer sa Area C Purok 6, Brgy San Martin III, San Jose Del Monte City, na kinilalang si alyas Tatoy, 40-anyos, ang nahuli ng mga operatiba ng SJDM CPS sa ikinasang drug buy-bust operation. 

Nakumpiska ng mga operatiba sa operasyon ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa Php 20,040 (SDP) at marked money. 

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakumpiskang para sa kaukulang pagsusuri, habang mga reklamong kriminal para sa mga paglabag sa R.A. 9165 laban sa suspek ay inihanda na para sa pagsasampa ng korte.

Sa isang police checkpoint sa Barangay Poblacion, Norzagaray, Bulacan, ay naaresto ang tatlong indibidwal na sakay ng motorsiklo na walang helmet, at nabigong makapagpakita ng mga kinakailangang dokumento ay humantong sa kanilang pagkaaresto.

Sa karagdagang pagrerekisa ng mga operatiba ay natuklasan ang isang sachet ng shabu na hawak ng isa sa mga suspek na si alyas Paul. 

Inihain na ang kaukulang mga reklamong kriminal laban sa mga naarestong suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Norzagaray MPS. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …