GINAWARAN ng “Medalya ng Katangitanging Gawa si Police Regional Office 5 Director PBGen Andre Perez Dizon bilang mahusay na ehemplo sa epektibong pamumuno sa hanay ng mga pulis sa Bicol Region.
Ang maayos na pagtimon ni PBGen. Dizon sa hanay ng Bicol PNP ay nagresulta sa pagkatimbog at pagkasawi ng isang notoryus na lider ng criminal group na sangkot sa gun for hire, kidnapping, serious illegal detention,rape, extortion at robbery sa Albay at karatig na probinsiya sa rehiyon na natuldukan sa pagsisilbi ng warrant of arrest sa ilalim ng “Coplan Iron” ng pinagsanib na puwersa ng PRO5, at NCRPO katuwang ang DI at IG noong 24 Enero 2024 sa Parañaque City.
Ang naturang parangal ay personal na iginawad nina C/PNP General Benjamin Acorda, Jr., at Hon. Elizaldy Co, Chairperson of House Committee on Appropriations at Representante ng AKO Bicol Partylist sa ginanap na Flag raising and awarding ceremony sa PNP National Headquarters sa Camp Crame, Quezon City. (BRIAN BILASANO)