Friday , November 15 2024
Bulacan Police PNP

P.18-M droga nakompiska sa 9 durugista; 10 wanted person tiklo rin

NAGSAGAWA ang pulisya ng Bulacan ng sunud-sunod na operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng iligal na droga na nagkakahalagang 180K kabilang ang pagkakaaresto sa ilang mga durugista at lumalabag sa batas hanggang kahapon, Pebrero 7.

Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Sta. Maria Municipal Police Station ay nagkasa ng matagumpay na drug sting operation na nagresulta sa pagkaaresto nina alyas Paolo at alyas Reymart bandang alas-2:30 ng madaling araw kahapon sa Brgy. Bagbaguin, Santa Maria, Bulacan. 

Nakumpiska mula sa mga suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu, tinatayang may Standard Drug Price (SDP) na Php 102,000, isang metal coin purse, isang unit ng Yamaha Aerox 155 at marked money.

Gayundin, pito pang drug dealer ang nahuli sa serye ng drug-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Angat, Marilao, San Miguel, at Plaridel Municipal Police Station. 

Nakuha sa operasyon ang kabuuang dalawampu’t isang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang may halagang Php 78,040 (SDP) at marked money. 

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang ang reklamong kriminal para sa mga paglabag sa R.A. 9165 laban sa mga suspek ay inihanda na para sa pagsasampa sa korte.

Samantala, inihain naman ng Norzagaray Municipal Police Station ang warrant of arrest kay James Buscato, ang Top 7 Provincial Level at Top 1 Municipal Level (MWP) ng Norzagaray, Bulacan, dahil sa krimeng Attempted Rape na warrant ay inilabas ng Third Judicial Region, Branch 120, San Jose Del Monte City, Bulacan walang inirekomendang piyansa. 

Sa kabilang banda, ang tracker team ng San Jose Del Monte City Police Station, ay matagumpay na nadakip si  Teddy Laorio na nakalista bilang Bustos Top 3 MWP – Provincial Level sa Purok 4, Brgy. Paradise III, CSJDM, Bulacan. 

Ang pag-aresto ay nag-ugat sa warrant na inilabas ng Presiding Judge ng RTC, Third Judicial Region, Branch 15, City of Malolos, Bulacan, kaugnay sa krimeng Attempted Murder na walang inirekomendang piyansa.

Bukod dito, walong (8) indibiduwal na wanted sa iba’t ibang krimen at paglabag ang nahuli ng mga tracker team mula sa Provincial Intelligence Unit (PIU), Pulilan, San Jose Del Monte City, Marilao, Sta. Maria, at Paombong City/Municipal Police Station. 

Ang mga arestadong indibidwal ay kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng unit/istasyon ng pag-aresto para sa tamang disposisyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …