Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Lalaki patay sa pamamaril ng salaring nakamotorsiklo

PATAY sa pamamaril ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng isang nakamotorsiklong salarin sa Brgy. Pulong Buangain, sa bayan ng Santa Maria, Bulacan.

Sa ulat na nakalap mula sa Santa Maria Municipal Police Station (MPS), kinilala ang biktima na si Jemmar Mendoza, 36, may-asawa at nakatira sa 4650 Sitio Perez, Brgy Pulong, Buhangin, sa naturang bayan..

Napag-alamang naganap ang pamamaril sa bahagi ng Brgy Pulong Buhangin dakong alas- 2:30 ng hapon, Pebrero 4..

Sa imbestigasyon ay lumitaw na habang sakay ng tricycle ang biktima at pauwi sa kanilang bahay nang biglang paputukan ng suspek na nagresulta sa kanyang kamatayan.

Sinabing tumakas ang suspek sakay ng isang Yamaha NMax na may kulay gray patungo sa direksyon ng Norzagaray, Bulacan.

Agad na humiling ng dragnet operation sa Bulacan Provincial TOC ang Santa Maria MPS para sa activation ng Bulacan Shield Alpha habang patuloy na inaalam ang motibo sa pamamaril. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …