PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NATURAL lang naman talaga sa engaged to be married ang magkaroon ng jitters o mga kagayang anxieties.
Iyan ang sinasabing rason kung bakit tila mayroong “isyu” kina Bea Alonzo at Dominic Roque na napansin ang netizen.
Na-observe kasi ng marami na tila paiwas o iba ang sagot ni Bea sa mga tanong hinggil sa plano nilang pagpapakasal. Na kesyo wala pa o dapat ang lalaki ang nagpaplano etc, na sagot nito, gayung last year pa nila ito ibinabahagi sa showbiz world.
Napansin din ng marami na hindi na suot-suot ni Bea ang engagement ring at sa latest IG post nga ni Dom, tila seryoso itong nag-iisip habang nakaupo sa isang bato at nakatanaw sa dagat. Plus, sarado pa ang comment section ng naturang socmed account, obviously para umiwas sa mga hanash.
Well, sa nasagap naming tsika, tila may “conflict” sa usapin ng pagpapakasal at pagbuo ng pamilya ang magkasintahan.
Umano, may isang nais ng magbuo agad ng family, habang ‘yung isa ay hindi pa ready.
Hay…