PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
GULAT na gulat si Julia Barretto nang malamang naging leading man din pala ng mama niyang si Marjorie ang ngayo’y leading man niyang si Aga Muhlach.
Although sa nasabing movie ni Marjorie ay si Mikee Cojuangco ang naka-ending ni Aga.
“I did not know that. Kuya Aga never told me. Kahit si mama, walang naikuwento na nakatrabaho niya si Kuya,” ang natatawang tsika ni Julia sa aming panayam.
At dahil lahat na ng leading ladies na Barretto ay natikman na ang bagsik ng pagiging leading man ni Aga, “I could only laugh. Ang saya ‘di ba? Eh ‘di wow hahaha,” hirit pa ni Julia.
From Gretchen nga naman to her mom Marjorie at Claudine, si Julia na nga ang nagpapatunay na Aga Muhlach is the leading man for all seasons (pahiram po Ate Vi (Ms Vilma Santos, hehehe).
Sa Viva movie na Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko, kapwa paiikutin at aapektuhan ng mga likhang awit ni National Artist George Canseco ang May-December love story nina Julia at Aga.
Ito nga po ‘yung pam-Valentine movie offering ng Viva Films.