Friday , April 18 2025
npa arrest

 2 miyembro ng komunistang grupo sa Bulacan, sumuko

DALAWANG miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB) na isang Communist-Terrorist Group (CTG), ang boluntaryong sumuko sa Bulacan PNP sa Lungsod ng Malolos, Bulacan, kamakalawa. 

Batay sa ulat kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan Police Provincial Office (BUL PPO), kinilala ang mga sumukong miyembro ng RHB na sina alyas Ka Bonbon, 46; at Ka Mila, 71. 

Ayon kay PLt. Colonel Ismael Gauna, force commander ng Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC), sumuko ang dalawang dating rebelde dakong 11:00 ng umaga sa Brgy. Sampaloc, San Rafael, Bulacan. 

Ang pinagsanib na mga elemento ng Bulacan PIU, at 2nd PMFC ang  nagpadali sa pagsuko ng dalawang indibiduwal. 

Isinuko rin ni alyas Ka Bonbon ang isang (1) Smith at Wesson Cal. 38 revolver na walang serial number, apat (4) na pirasong bala ng cal. 38, at isang (1) libro ng Neoliberalismo na itinurn-over sa mga tauhan ng Bulacan 2nd PMFC. 

Sinabi ni PD Arnedo na mahigpit ang Bulacan police sa pinaigting na kampanya laban sa insurhensiya at terorismo upang matiyak ang pagkakaloob ng mga serbisyong panlipunan, mga oportunidad sa trabaho.

Gayundin ang isang pinabuting kalidad ng buhay sa mga komunidad na nakararanas o mahina sa armadong tunggalian ng komunista. 

Ayon sa mga dating rebelde, sumapi sila sa grupo ng mga rebelde upang isulong ang reporma ng gobyerno, pantay na karapatan, at katarungang panlipunan. 

Ang kanilang pagsuko ay nagpapakita ng kanilang pangako na muling iayon sa gobyerno para sa mga layuning ito. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …