Friday , November 15 2024
Bulacan Police PNP

12 kalaboso sa Bulacan police ops

TATLONG drug personalities, pitong wanted person, at dalawang law offenders ang inaresto ng Bulacan Police sa iba’t ibang anti-criminality operations na isinagawa sa lalawigan hanggang kahapon ng umaga.

Sa magkahiwalay na buy-bust operation na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Angat, Hagonoy, at San Miguel Municipal Police Station {MPS} ay tatlong nangangalakal ng droga ang arestado.

Nasamsam sa mga operasyon ang labinlimang plastic sachet ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na Php 23,824.00, assorted drug paraphernalia at buy-bust money.

Dinala sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa kaukulang pagsusuri habang ang reklamong kriminal para sa mga paglabag sa R.A. 9165 laban sa mga suspek ay inihahanda na para sa pagsasampa sa korte.

Samantala, naaresto naman ng tracker team ng Marilao, San Jose Del Monte, Malolos, at Pulilan City at Municipal Police Station ang pitong wanted na personalidad.

Sila ay kinilalang sina alyas Edward na arestado dahil sa Estafa; alyas Dexter at alyas Jayson para sa Violence Against Women and Children; alyas Richard para sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165); alyas Noel para sa Violence Against Women and Children; alyas Larry para sa Robbery; at alyas Alejandro para sa Illegal Discharge of Firearm ayon sa pagkakasunod.

Ang lahat ng arestadong akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kani-kanilang arresting unit/stations para sa tamang disposisyon.

Bukod dito, rumesponde ang mga awtoridad ng Marilao at Meycauayan C/MPS sa magkaibang insidente ng krimen na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang lumabag sa batas.

Sila ay sina alyas Jaypee, 34, na residente ng Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan na arestado ng mga tauhan ng Marilao MPS para sa kasong Robbery Snatching; at alyas Wilfredo, 30, residente ng A. Ponciano St., Brgy. Bayugo Meycauayan City, Bulacan ay inaresto naman ng Meycauayan CPS sa kasong Swindling.

Ayon kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nakatuon ang kapulisan sa Bulacan sa pagpapanatiling ligtas sa mga gawaing kriminal ang mga komunidad sa lalawigan.

Aniya pa, ang kakayahang pigilan ang mga indibiduwal na nag-uudyok ng takot at gumagamit ng karahasan sa komunidad ay nagpapakita kung gaano sila katatag sa pakikipaglaban sa kawalan ng batas at karahasan. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …