RATED R
ni Rommel Gonzales
ISASAPELIKULA ang kuwento ng tunay na buhay ng lady producer na si Baby Go ng BG Productions International.
Kuwento ni Baby, “Nagsimula po ako sa real estate bago ako pumasok sa showbiz. Nag-produce ako sa sarili kong pera, wala akong naging partner at iyong aking pagpo-produce galing po sa pinaghirapan ko sa real estate, buy and sell, pagbu-broker.
“Marami pa akong kuwento, siguro abangan na lang sa life story ko na gagawin naming pelikula.”
Sino ang aktres na gaganap bilang Baby Go sa autobiographical film na ipo-produce niya?
“Dati may pangarap ako eh, si Rio Locsin, dati-dati. Tapos siyempre, wala lang, may nakita kang iba, mayroon din, hindi ko pa po masasabi.”
Matagal pa naman kasi bago niya gawin ang pelikula tungkol sa buhay niya.
“Kapag wala na akong proyekto, at saka ko siya gagawin. Marami pa akong proyekto na naka-line-up.”
Mauuna muna na ipalabas ang AbeNida nina Allen Dizon at Katrina Halili.
Incidentally, kapwa may seryeng umeere sina Allen at Katrina sa GMA na parehong umaalagwa sa ratings game, ang Abot Kamay Na Pangarap (nina Allen, Carmina Villarroel, at Jillian Ward) at Black Rider (nina Katrina, Matteo Guidicelli, at Ruru Madrid).