Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Catherine Yogi Mike Magat Seven Days

Catherine Yogi, tampok sa pelikulang Seven Days

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BAGUHAN man sa showbiz world si Catherine Yogi, leading lady na agad siya ni Mike Magat sa pelikulang Seven Days.

Si Mike din ang direktor ng naturang pelikula, samantalang ang anak niyang si Miguel Antonio Sonza ang cinematographer nito.

SiCatherine ay isang Pinay na nakabase sa Japan, dito siya na-discover ng isang blogger at ipinakilala kay Direk Mike.

Ito ang second movie ni Catherine, una ay via a short film titled Korona, na si Mike din ang nag-direk.

Kinilala ni Catherine ang papel ni Mike sa kanyang pagpasok sa showbiz.

Kuwento ng newbie actress, “Gusto ko pong magkaroon ng puwang sa larangan ng showbiz at nakapag-start po ako sa showbiz dahil kay Direk Mike, binigyan niya ako ng chance kung ano man po ang narating ko ngayon, so far.”

Aniya pa, “Marami kaming magkakapatid, 13 po kami, kaya pangarap ko pong makapunta sa ibang bansa. Kasi ay hindi ako nakapag-aral ng kolehiyo, hanggang high school lang ang inabot ko. Nakapag-asawa po ako ng Japanese at may mga anak na kami, apat po.”

Pinuri rin ni Catherine ang kanyang leading man sa Seven Days.

“Si Direk Mike po, napaka professional niyang katrabaho and pagdating naman sa acting, talagang natutulungan niya po ako sa bawat eksena,” sambit ni Catherine na naging Mrs. Tourism World Japan-Philippines 2021.

Ang Seven Days ay isang love story-drama na may halong comedy. Ito ay planong isali sa mgainternational film festival.

Nabanggit ni Direk Mike na nakitaan niya ng pagiging dedicated at seryoso ang leading lady niya rito sa pagpasok sa showbiz.

“Nakitaan ko naman itong si Catherine ng acting at iyong pagiging dedicated. Iyon ang number-1 sa akin, eh.

“Ako tumutulong ako sa mga nangangarap mag-artista at nakitaan ko naman si Catherine ng talagang pagiging seryoso,” pahayag ng aktor-direktor

Pagpapatuloy pa ni Mike, “Imagine mo, from Japan ay umuuwi pa siya sa Philipines para mag-shooting lang. From Japan ay pupunta ng Amerika para lang kami mag-shoot.

“Mayroon pa kaming mga ginawang short film din doon sa America noong siya ay na-award-an din

doon.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …