Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dave Bornea
Dave Bornea

Dave Bornea paglalawayan sa Isla Babuyan

RATED R
ni Rommel Gonzales

NAKAPAGLALAWAY naman talaga ang mga shirtless photo ni Dave Bornea sa kanyang social media account tulad ng Instagram.

Kaya hindi na kami magtataka kung maghuhubad siya sa sexy film na Isla Babuyan na launching film ng newbie actress na si Geraldine Jennings.

Lahad ni Dave, “Iyan ‘yung sinasabi ko na not the usual role na ginagawa ko, kasi ‘yung roles ko before, that was like more on sweetheart, medyo decent, formal, alam mo ‘yun.

“And right now, medyo nag-level up tayo. There are scenes na… ayoko kasing mag-spill ng details! Baka kasi spoiler, alam mo ‘yun?”

Sexy and daring na siya sa Isla Babuyan?

Mature na, you’ll see, you’ll see. It’s about time na mag-step up naman.

“Humuhugot pa rin tayo ng confidence on that, pero iba pa rin ‘yung nasa screen, na gumagalaw ka kaysa ‘yung pictures sa Instagram.

“For now, I’m stepping up. Gusto ko namang mag-explore rin sa craft ng acting. So ‘yun, makikita niyo pa ako sa mga ganoong eksena lalo na sa taong ito,” patikim na kuwento ng Kapuso hunk.

Papayag ba si Dave kapag kinuha siya para sa isang mega-sexy film o series ng Vivamax?

 “I can’t see myself there. I’m not against. May mga tropa po ako, nasa Vivamax.

“For me, wala pa. I can’t see myself there. ‘Yung mga romantic movie, puwede pa ako. Pero ‘yung masyadong medyo deeper pa roon, or darker pa roon, I don’t think I can.”

Kasama rin sa cast ng Isla Babuyan sina Jameson Blake, Paolo Gumabao, Nathalie Hart, James Blanco, at Lotlot de Leon.

Introducing naman sa movie si Samantha Da Roza.

Produced ito ng Solid Gold Entertainment Production, screenplay ni Jessie Villabrille, at concept nina Leo Dominguez, Jessie Villabrille, at Bam Salvani.

Line produced ito ni Dennis Evangelista at sa direksiyon ni Abdel Langit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …