Sunday , December 22 2024
Hong Kong Kailangan Mo Ako

Pelikula ni Direk Njel de Mesa na “Hong Kong Kailangan Mo Ako” ipalalabas ngayong taon

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ANG NDMstudios ay walang tigil at patuloy sa paghataw sa paggawa ng mga international films na decalibre. At sa unang pagkakataon, bibida na rin sa wakas sina Mayton Eugenio at Jean Kiley sa isang full-length buddy-girl comedy film na, “Hong Kong Kailangan Mo Ako,” sa direksiyon ni Direk Njel de Mesa ng NDMstudios.

Matagal nang gumaganap sa iba’t ibang supporting roles si Mayton (e.g. Miracle in Cell No. 7, Indak, 100 Tula Para Kay Stella, etc.) at Jean (e.g. Jowable, Dulo, Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko, etc.) — pero dahil sa pagtitiwala ni Direk Njel, ngayon pa lamang sila nagkaroon ng proyekto na sila naman ang bida.

Sa “Hong Kong Kailangan Mo Ako,” gaganap sina Mayton at Jean bilang bestfriends na nagbakasyon sa Hong Kong pero walang puknat ang mga kamalasan na sasapit sa kanila. Sobrang nakatatawa at makare-relate ang mga biyahero nating mga kababayan sa mga “travel horror stories” na daranasin ng kanilang mga characters na sina: Mallory at Blair.

Ipakikita rin dito na kahit anong kamalasan sa biyahe, maiibsan ang inis at lumbay basta’t may kasama kang kaibigan at maganda ang mga tanawin. Ang shooting ng buong pelikula ay ginanap at kinunan sa Hong Kong mismo, tampok ang iba’t ibang magagandang tourist attractions , kaya’t nagpapasalamat ang NDMstudios sa Hong Kong Tourism Board sa kanilang suporta.

Tampok rin ang iba’t ibang artista at talentong OFW na nagtatrabaho sa Hong Kong para ipakita ang kondisyon at pamumuhay ng mga kababayan natin sa abroad.

“Masaya kami sa karanasan namin sa shooting dahil madaling katrabaho si Direk Njel, hinahayaan niyang laruin namin ang mga roles na isinulat niya para sa amin,” sabi ni Mayton nang ibinahagi niya ang proseso ng shooting sa Hong Kong.

“Masayang-masaya ako at napag-sama ko ang dalawa kong kaibigan sa industriya sa isang pelikula —na talaga nga namang napakahusay sa kanilang pagganap,” wika naman ng multi-awarded nilang director.

“Grateful ako sa mga hosting at acting opportunities ko sa Viva, hindi ko rin naman magagawa ang project na ito kung hindi dahil sa kanilang suporta,” pahayag ni Jean na kilala bilang batikang host sa malalaking events ng Viva.

Gaya nang naunang pelikula ni Direk Njel na “Must Give Us Pause” na pinagbidahan nina Cheska Ortega at Shaneley Santos, isasali muna nila ang pelikula sa mga film festivals abroad (i.e. Japan, Hong Kong, Singapore, Canada, Dubai, etc.).

Matapos nito ay maipalalabas na ito sa mga sinehan dito sa ating bansa para sa mga excited nating mga kababayan. Mapapanood na ang kanilang official international trailer sa official Facebook at YouTube channels ng NDMstudios Japan at Philippines.

About Nonie Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …