SPEAKING of direk Joey, muli nitong nabanggit na hanggang sa huling sandali ng Metro Manila Film Festival awards night ay wala silang idea kung sino-sino ang mga nanalo.
Kahit jury member siya ay wala siyang access sa final results after nilang mag-debate at mag-cast ng votes. Bukod kina direk Chito Rono at Lorna Tolentino na mga Chairperson ng Awards Committee, ang auditing firm lang ang may alam ng resulta.
Kahit naman siya ay nagulat din sa ilang winners, but then again, concensus ‘yun ng majority na dapat irespeto.
Nagpapasalamat si direk Joey na nagtagumpay ang MMDA, MMFF at mga producer at artistang nagmalasakit at tumulong para sa kampanyang ibalik ang pila ng mga tao sa sinehan.
Pero siyempre, lubos din ang pasasalamat niya sa mga manonood at mga taong nagbabayad sa sinehan.
As we write this, balitang na-extend pa ng two days ang pagpapalabas ng 10 entries plus siyempre maiiwan sa mga sinehan ‘yung nagpe-perform ng malakas.
Noong Lunes, inihayag ng MMDA na umabot na sa P1-B) ang gross ng 10 entries at ang Top 3 champions sa box-office so far ay ang mga sumusunod: Rewind, Mallari, at Gomburza, na sinusundan ng A Family of Two, Firefly, at When I Met You in Tokyo.