Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Quinn Carrillo Asawa Ng Asawa Ko

Quinn Carrillo, sasabak na rin sa TV series via GMA-7’s Asawa Ng Asawa Ko

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAPAPANOOD na rin ang talented na actress-singer-dancer-writer na si Quinn Carrillo sa TV series ng GMA-7 titled Asawa Ng Asawa Ko.

Tampok dito sina Rayver Cruz, Jasmine Curtis, at Liezel Lopez. Sa January 15 ay magsisimula na itong mapanood sa prime time ng Kapuso Network.

Mula sa pamamahala ni Direk Laurice Guillen, kasama rin dito sina Joem Bascon, Martin del Rosario, Gina Alajar, Luis Hontiveros, Crystal Paras, at marami pang iba.

Sa nakalipas na taon, si Quinn ay humataw sa maraming projects sa Vivamax bilang actress at writer. Aminado siyang bata pa lang ay dream na niya talagang magkaroon ng TV series.

Bulalas niya, “Yes po! Bata pa lang ako ay mahilig na akong manood ng serye, lalo na sa GMA. I remember kaputukan pa noon ng Encantadia at iba pang fantaserye.”

Paano niya ide-describe ang seryeng Asawa ng Asawa Ko?

Tugon niya, “Medyo kakaiba ito sa usual na love triangle na series e. Kasi many people think from the title na kabitan na naman ang story, when actually hindi po siya ganoon. It’s about a complicated situation na may bagong asawa iyong asawa mo, kasi akala niya ay wala ka na.”

Ano ang pumasok sa isip niya nang dumating ang offer na ito?

Esplika ni Quinn, “Wala po akong ibang naisip kundi tanggapin agad. Kasi big opportunity ito for me at pangarap ko po talagang makasama sa isang serye.

“Super big cast po ito at ang director pa po namin is si direk Laurice Guillen.”

Speaking of cast and director, sobrang thankful si Quinn sa kanila dahil bukod sa magagaling, mababait silang lahat.

Aniya, “Sobrang babait at ang gagaling po ng co-stars ko. They made me feel so welcome.

“Noong una kinakabahan pa po ako, kasi first time ko sa serye, tapos ibang network. Pero sobrang babait po talaga lahat nila…

“Si direk Laurice naman po, grabe, hindi ka niya talaga papabayaan sa arte mo. Strict po siya in a way, na she wants to bring out your full potential talaga,” masayang sambit ni Quinn.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …