Ang walang tigil na pagsisikap ng pulisya sa Central Luzon na arestuhin ang mga indibidwal na hinahanap ng batas ay nagresulta sa pagkaaresto sa limang most wanted persons (MWPs) sa rehiyon, tatlong araw pagkatapos ng pagdiriwang ng Bagong Taon .
Enero 3, ikinalaboso ng Pampanga police sina Jerry Pikit-Pikit y Cabigting (MWP – Regional Level) at Jerald Nino Fernandez y Santos (Rank 4 MWP – Provincial Level).
Pinaghahanap ng batas si Pikit-Pikit dahil sa paglabag sa Sec. 5 Art. II ng RA 9165 (2 Counts) na walang inirekomendang piyansa habang si Fernandez ay may warrant of arrest (WOA) para sa krimeng Rape by Sexual Intercourse (2 Counts) na walang inirekomendang piyansa, Acts of Lasciviousness Under Art. 336 ng RPC kaugnay sa Sec. 5 (B) ng RA 7610 na walang inirekomendang piyansa at paglabag sa Art. 266-A(2) ng RPC na sinususugan ng RA 8353 kaugnay ng Sec. 5(B) ng RA 7610 at inamyenda ng Sec. 3 ng RA 11648 (4 Counts) din na walang inirekomendang piyansa.
Sa kabilang banda, inaresto naman kamakalawa ng San Miguel MPS tracker team si Gilbert Victoria y Delos Reyes (Rank 1 MWP – Municipal Level) sa bisa ng WOA dahil sa paglabag sa RA 10591(Illegal Possession of Firearm and Ammunition) na may Php100,000.00 na inirekomendang piyansa .
Noong Enero 2 naman, dinakip ng mga pulis ng Olongapo si Engelbert De Leon y Martinez (Rank 3 MWP – Municipal Level) para sa krimeng Rape sa ilalim ng Article 266-A, Paragraph 1(a) ng Revised Penal Code (3 Counts) na walang inirekomendang piyansa.
Samantala, inaresto ng Regional Mobile Force Battalion 3 (RMFB3) kasama ang Jaen MPS si Esquivel Mildred y De Guzman (Rank 8 MWP – Municipal Level) dahil sa krimeng Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na Php120,000.00 noong unang araw ng 2024.
Kaugnay nito, si PBGen Jose S. Hidalgo Jr, Regional Director ng PRO3, ay pinuri ang pagsusumikap ng operating troops upang mahanap at mahuli ang mga nangungunang pugante.
Idinagdag niya: “Sisiguraduhin namin na ang mga naarestong most wanted na indibiduwal ay haharap sa mga kinakaharap na krimen. Ang mga tagumpay na ito ay nagpapakita lamang na ang pulisya ay hindi tumitigil at patuloy na paiigtingin ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad at tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad”. (MICKA BAUTISTA)