Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Imelda Papin Claudine Barretto Loyalista

Biopic ni Imelda Papin na Loyalista, kaabang-abang sa mga sinehan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NABANGGIT ni Imelda Papin noon sa isang victory party nang nanalo si President Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa national election noong 2022 ang paglipat sa kanya ng isang espesyal na amuleto o parang anting-anting ni ex-president Ferdinand Marcos nang na-depose ito sa Hawaii.

Kilala ang singer bilang isang Marcos loyalist na talagang nagpupunta noon sa mga rally para sa pagbabalik sa bansa ng former strongman ng ‘Pinas. Sa pelikulang Loyalista na tinatampukan nina Claudine Barretto at Ms. Papin, ipinakita ang eksenang ito.

Napanood nga namin ito sa premiere night na ginanap sa tatlong sinehan sa SM Megamall sa pelikulang Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin na gumanap si Claudine as Imelda Papin. Kasama rin sa pelikula sina Gary Estrada, Alice Dixson, ER Ejercito, at Maffi Papin.

Tunay na kaabang-abang ang pelikulang ito, hindi lang sa mga Marcos Loyalists, kundi sa mga supporter ni Imelda Papin.

Ang pagpapalabas ng biopic ng Philippines’ Jukebox Queen na si Imelda ay kasabay ng pagdiriwang ng 45th year niya sa showbiz industry.

Isang taon palang ginawa ang Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin.

Kabilang sa highlight ng pelikula ang pagpapakita kung gaano ka-loyal si Imelda Papin bilang kaibigan at inaanak sa mga Marcos. Sumunod pa nga siya sa Hawaii nang na-exile roon ang pamilya Marcos dahil nanganib na rin ang buhay niya dahil kilala siya bilang isa sa die hard supporter ng mga Marcos. Ang isa pang aabangan dito ay ang husay ng acting ng mga main characters.

Pinuri nga ng maraming nakapanood sa premiere night ang acting dito nina Claudine, Alice, as Imelda Marcos, ER as President Marcos, at si Gary bilang si Bong Carrion.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …