Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sual Open Chess Tournament

Ngayong Sabado
CHESS TOURNEY SA SUAL, PANGASINAN

LALARGA ang Sual Open Chess Tournament ngayon Sabado, 23 Disyembre sa Kucina Karena Grill and Restobar sa Sual, Pangasinan.

Ipatutupad ang 7 Swiss system format ayon kay Woodpushers Chess Club-Sual Inc., president Beneric Ronas.

Ang magkakampeon ay tatanggap ng P15,000. Makakukuha ang second placer ng P10,000; third P5,000; fourth P3,000; at fifth P2,000 habang ang sixth hanggang tenth ay tatanggap ng P1,000.

Ang pinakamahusay na babae, pinakamahusay na senior, pinakamahusay na person with disability (PWD) at pinakamahusay na manlalaro ng Sual ay makatatanggap ng tig-P1,000.

Para sa Junior at Senior High school category, ang kampeon ay tatanggap ng P3,000, ang pangalawa ay makakukuha ng P2,000, ang ikatlo ay makakukuha ng P1,000 at ang ikaapat hanggang ikalima ay kikita rin ng P500 bawat isa.

Para sa kategoryang elementarya, ang kampeon ay mag-uuwi ng P3,000, ang pangalawa ay makakukuha ng P2,000, ang ikatlo ay P1,000 at ang ikaapat hanggang ikalima ay tatanggap ng tig-P500.

Tumawag o mag-text sa mobile number: 09276627837 para sa kompletong detalye. (MB)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Marlon Bernardino

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …