Sunday , December 22 2024
Karl Eldrew Yulo
IPINAMALAS ni Karl Jahriel Eldrew Yulo ang natatanging kakayahan nang dominahin ang Boys FIG Juniors 14-17 event ng Men’s Artistic Gymnastics (MAG) tungo sa pagkakamit ng pitong nakatayang gintong medalya ng 2023 Batang Pinoy and Philippine National Games (BP-PNG) National Championships sa GAP Gym sa Intramuros, Maynila. (HENRY VARGAS)

Karl Eldrew Yulo, ‘cut above the rest’

IPINAMALAS ni Karl Jahriel Eldrew Yulo ang natatanging kakayahan nang dominahin ang Boys FIG Juniors 14-17 event ng Men’s Artistic Gymnastics (MAG) tungo sa pagwalis sa pitong nakatayang gintong medalya ng 2023 Batang Pinoy and Philippine National Games  (BP-PNG) National Championships sa GAP Gym sa Intramuros, Maynila.

May pagkakataon pa sanang makamit ng 17-anyos na si Yulo ang ikawalong ginto na nakataya sa team event upang maging most medaled athlete ng Batang Pinoy para sa 17-anyos pababa bagaman pinagdidiskusyonan ng mga technical official ang paggagawad nito.

Si Yulo, katatapos sumabak sa 2023 JRC Stars Artistic Gymnastics Championships sa Bangkok, Thailand na nagwagi ng apat na ginto, isang pilak at isang tanso, ay sadyang kakaiba sa mga kalahok sa FIG Juniors na inangkin ang ginto sa vault, still rings, floor exercise, high bar, parallel bar, pommel horse, at individual all-around.

Samantala, nagpakitang gilas ang magkapatid na sina Leila Anika at Jeanne Soleil Cervantes sa pagwawagi ng mga gintong medalya para sa Parañaque City habang iniuwi ng Guimaras City ang tatlong ginto sa limang nakatayang event ng BMX racing competition na ginanap sa Tagaytay City.

Wagi sa Batang Pinoy: BMX Girls 13 & Under si Leila Anika at ang kapatid, na si Jeanne Soleil Cervantes, sa Girls 14-15, ng Parañaque City; at Emmanuel Redilla ng Imus City sa Boys 13 Under.

Nagkampeon si Gremarc Gyan Dela Gente at Ben Rian Babica sa Boys 14-15 category habang nagwagi rin ang Guimaras sa Boys 16-17 division.

Limang gintong medalya ang naiuwi sa Women’s Artistic Gymnastics (WAG) ni Maria Celina Angela Gonzales ng San Juan City sa pagwawagi sa Uneven Bars (6.500), Balance Beam (8.150), Floor Exercise (8.750) at Individual All-Around (34.700). Maliban sa vault event sa 9.300 puntos, na pilak ang nasungkit ni Gonzales at napunta kay Tchelzy Mei Maayo ng Taguig City ang ginto na nanalo sa Vault Event (9.350) sa High Perfromance 1. 

Itinanghal na kampeon sa Team Championship ang Tagum City na binubuo nina Hollie Bautista, Aluna Margauz Labrador at Alessa Reese Solis na nagtipon ng 44.150 puntos.

Wagi sa HP 2 si Louise Jelyn Orcine ng Pasay City sa vault (9.40); Jazmine Legaspi ng Cebu City sa Uneven Bars (7.60) at Floor Exercise (8.35); Kaye Margarette Mitra ng Sta. Rosa City sa Balance Beam (8.40); Clara Miranda San Pedro ng Pasig City (31.45); habang wagi sa Team sina Legaspi, Kristine Teopiz at Nina Karel Aninon ng Cebu City (79.00).

Wagi sa HP1 sina Ma. Leiry Epe ng Cebu City sa Vault event (9.25), Sophia Lauryce Latoreno ng Quezon City sa Uneven Bars (7.85), Sofia Marie Mojado ng Mandaluyong City sa Balance Beam(8.65) at Individual All-Around (32.25), Lilia Sage Dazo ng Cebu City sa Floor Exercise (8.05), Lilia Sage Dazo, Ma. Liery Epe, Stacey Eunice Mag-aso, at Francine Reignh Velasco. (HATAW News Team)

About Henry Vargas

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …