Thursday , April 10 2025
Jallen Herzchelle Agra Precious Eve Ferrer Chess

Agra, Ferrer nangunguna sa Queen of the North chess championship

Laoag City, Ilocos Norte — Nagsalo sa liderato sina Second seed Jallen Herzchelle Agra ng Claveria, Cagayan at third seed Precious Eve Ferrer ng Lingayen, Pangasinan nang magtala ng magkahiwalay na panalo nitong Martes, 19 Disyembre, pagkatapos ng Round 5 ng Queen of the North chess championship na ginanap sa Ilocos Norte National High School gymnasium sa Laoag City, Ilocos Norte.

Tinalo ni Agra ang fourth seed na si Shaniah Francine Tamayo ng Laoag City, Ilocos Norte habang pinatalsik ni Ferrer si 12th seed Elizsa Gayle Cafirma ng Bacarra, Ilocos Norte upang makalikom ng tig-4.5 puntos.

Ang magkapares na resulta ay nagpapanatili kina Agra at Ferrer sa pagtutok sa titulo na kung sino ang magkakampeon ay makapagbubulsa ng P60,000, sa kagandahang-loob nina Mayor Michael Marcos Keon at Chairman ng 102nd Homecoming UP Vanguard Incorporated (UPVI) Aldwin Galapon.

“Sana mahawakan ko ‘yung momentum ko,” sabi ni Agra na tabla kay Ferrer sa fourth round morning session nitong nakaraang Martes.

Samantala, sina top seed Woman National Master Mhage Gerriahlou Sebastian ng Flora, Apayao at 25th seed Shantelle Marie Root ng Laoag City, Ilocos Norte ay nasa chase pack na may tig-4.0 puntos, kalahating puntos sa likod ng mga lider sa isang linggong standard event, na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Pag-Ibig Fund at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).

Tinalo ni Sebastian si 24th seed Rachelle Joy Pascua ng Bacarra, Ilocos Norte habang pinasuko ni Root si 20th seed Kimberly Gumallaoi ng Bacarra, Ilocos Norte.

Ang tournament director ay si International Master Ronald Bancod habang ang Chief Arbiter ay si International Arbiter Ricky Navalta. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

SLP Swim League Philippines Patriots League of Champions III

Mula Grassroots Hanggang Champions: SLP Patriots, Umangat sa League of Champions III

Walang inuurungan ang Swim League Philippines (SLP) Patriots sa pangunguna ni Coach Zaldy Lara, matapos …

TATAND-Joola kampeon sa 1st TOTOPOL-Fishbroker Table Tennis tilt

TATAND-Joola kampeon sa 1st TOTOPOL-Fishbroker Table Tennis tilt

GINAPI ng Table Tennis Association for National Development (TATAND)-Joola ang Team Priority, 2-0, para angkinin …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

Alas Pilipinas Maganda ang simula sa AVC Beach Tour

NAGSIMULA ng maganda ang Pilipinas sa Rebisco Asian Volleyball Confederation (AVC) Beach Tour Nuvali Open …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …