Friday , November 15 2024
Darryl Yap Para Kang Papa Mo

Sa ‘Para Kang Papa Mo’ moviegoers patatawanin at paiiyakin ni Direk Darryl Yap,

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY bagong pelikula na mapapanood sa mga sinehan si Direk Darryl Yap. Pinamagatang “Para Kang Papa Mo,” ang pelikula ay patatawanin at paiiyakin ang moviegoers.  

Tampok dito sina Mark Anthony Fernandez at Nikko Natividad.

Ang pelikula ay ukol sa pamilya, sa magkakaibigan, sa babaeng lumalambot ang pusong bato kapag kapakanan na ng batang pinalaki niya ang nakasalalay, ng isang anak at isang ama, na handang gawin ang lahat para sa kapakanan ng pinakamamahal niyang anak.

Isang member ng LGBTQ ang papel ni Nikko sa pelikula at tiyak namin na maraming member ng federacion ang makare-relate sa  mga pinagagagawa niya rito.

Inusisa si Nikko sa role niya sa movie at kung ano ang masasabi niya sa kanilang direktor na si Darryl Yap.

Kuwento niya, “Ako po rito si Hermione, part po ako rito ng LGBT community at ako po ang anak dito ni Sir Mark Anthony Fernandez.

“Kay Direk Darryl Yap, bukod sa magaling siyang mag-blind item, maganda talaga ang mga isinusulat ni Direk Darryl,” pabirong wika ni Nikko.

Pagpapatuloy pa ng aktor, “Madaling ma-pick up ng mga tao kasi tagos sa puso. Kaya nang binabasa pa lang namin iyong line at story, masasabi ko na one hundred percent ay maraming makare-relate rito.”

Okay lang daw kay Nikko na gumanap na bading sa movies, “Okay lang po, kasi nagbunga ang pagpapansin ko sa social media, nabigyan po ako ng project na gay role,” nakangiting bulalas pa ni Nikko.

Nagbabalik nga sa big screen ang box-office director na si Darryl Yap para sa kanyang 15th film. Ang light-hearted, fun comedy-drama na pinagbibidahan nina Mark Anthony at Nikko titled Para Kang Papa Mo ay mapapanood na sa cinemas, nationwide ngayong December 13, 2023. 

Ang Para Kang Papa Mo ay isang heartfelt story tungkol sa matibay na samahan at relasyon ng isang tatay at anak, at kung ano ang mga kaya nating isakripisyo para sa mga mahal natin sa buhay.

Ang mga 90s matinee idols at heartthrobs na sina Mark Anthony, Eric Fructuoso, at Jao Mapa ay gaganap bilang sina Anton, Ric, and Jose, trio ng magkakaibigan na may matibay na samahan at nagiging takbuhan ang isa’t isa lalo sa oras ng pangangailangan.

Bawat isa sa kanila ay may anak at tulad nila ay naging magkakaibigan din ang mga ito – sina Harry, Kobe, at Eminem na gagampanan naman ng ilan sa hunk actors ngayong henerasyon, ang Hashtag members na sina Nikko, Kid Yambao, at Zeus Collins.

Matapos makalaya mula sa matagal na pagkakakulong, plano ni Anton (Mark Anthony) na ayusin at baguhin ang buhay niya, babawi rin siya sa mga oras na hindi niya nakasama si Harry, ang napakatalino at proudly gay son ni Anton.

Buong puso na tinatanggap at sinusuportahan ni Anton si Harry (o Hermione) sa mga gusto at desisyon nito sa buhay. Bilang mapagmahal na ama, gusto rin ni Anton na may magandang kinabukasan si Harry, kaya naman gagawin niya ang lahat para makapagbigay at mapaaral ang anak. 

Matapos ang sakripisyo ni Anton para sa anak ay may darating namang masamang balita na gugunaw sa kanilang mundo. Masolusyonan din kaya ito ni Anton? Kayanin pa kaya ng puso at isip niya ang mga problema? O kailangan ba ulit niyang isakripisyo ang kanyang sarili?  

Ang Para Kang Papa Mo ay ang comeback movie ni Direk Darryl matapos niyang panandaliang magpahinga pagkatapos gawin ang Martyr or Murderer.

Produced by Viva Films, bahagi rin ng pelikulang ito sina Ruby Ruiz, Juliana Pariscova Segovia, Billy Jake Cortez, at Gerard Acao.

Mapapanood na ang Para Kang Papa Mo, in cinemas nationwide ngayong December 13, 2023. 

About Nonie Nicasio

Check Also

Jade Riccio

Asia’s Jewel Jade Riccio magtatanghal kasama sina Michelle Dee, Rhian, MayMay, Atasha sa Be Our Guest

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PATULOY sa kanyang adhikaing ‘baguhin ang buhay sa pamamagitan ng …

Ronald Padriaga True FM 105.9 FM

True FM 105.9 FM mas pinalaki (‘di lang radyo mayroong TV, podcast, Youtube)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “IPAGPAPATULOY namin ang pagiging totoo, tunay at tapat sa lahat …

Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa …

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

Evelyn Francia Nick Vera Perez

Evelyn Francia, NVP1World’s International Inspirational Wonder

PINATUNAYAN ni Evelyn O. Francia na hindi balakid ang edad para abutin ang pangarap.  Sa edad 67, …