Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards Its Showtime

Alden binatikos kawalan ng energy at excitement

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MAY mga nam-bash kay Alden Richards noong mag-guest ito sa It’s Showtime last Monday kasama si Sharon Cuneta.

May mga nagkomento namang tila hindi ito excited at kompara umano sa mga naging bisitang Kapuso star, walang-wala umano itong energy man lang.

Well,kahit saan naman yata lumugar si Alden ay may masasabi at sasabihin ang mga tao.

Basta ang nararamdaman naming totoo kay Alden ay ‘yung sensiridad niya with his mama Sharon.

Ramdam na ramdam namin ang pagiging anak niya kay mega hindi lang sa Metro Manila Film Festival (MMFF 2023) entry nilang Family of Two, kundi maging sa mga simpleng gesture nito.

Of course si mega naman ay sobrang proud at very cool sa pag-anunsiyong anak nga ang turing niya kay Alden at kahit sino pang nanay ay suwerte rito mapa-anak man nila o son in law ang aktor.

Mula sa Cineko Productions ang Family of Two.

Si kapatid-pareng Mayor Enrico Roque ang producer na muling nagpamalas ng kanyang pagiging super generous sa media friends.

Umapaw talaga ang mga bonggang prizes, giveaways, food at kahit napahaba ang kuwentuhan what with mega Sharon’s stories and etc. wala talagang umuwing luhaan at nag-enjoy makinig sa kung ano at paano nabuo ang Family of Two.

Super exciting nga ang MMFF 2023 dahil sa mga ganitong entries. Kaya naman tipid-tipid muna talaga kami dahil doon pa lang sa top 5 movies na plano naming ulit-ulitin eh mukhang dadami pa ito hahahaha!

Basta sa ngayon, pasok ang Family of Two sa aming top 5 alongside with When I Met You in Tokyo, Mallari, at Penduko. May isa pa kaming hinihintay masilip man lang ang trailer at makatsika ang mga bida para makompleto ang top 5. ‘Yung iba, wait muna ha, hahahaha! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …