Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards Barbie Forteza, David Licauco Sanya Lopez

Alden bibida sa isang historical action-drama

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY bagong serye si Alden Richards sa GMA 7, na isang historical action-drama titled 

. Kasama niya rito sina Barbie Forteza, David Licauco, at Sanya Lopez.

Sa serye, gaganap si Barbie bilang Adelina habang bibigyang-buhay naman ni Sanya ang half-sister nitong si Teresita.

Pareho silang bodabil stars kaya naman sasabak din sina Barbie at Sanya sa tap dancing at singing lessons.

Samantala, gagampanan ni David ang role ng isang Japanese soldier na si Hiroshi at bilang paghahanda ay mag-aaral ang aktor ng Nihongo.

Makikilala naman si Alden bilang si Eduardo, ang half-brother ni Adelina na may dugong Amerikano.

First time na makakatrabaho ni Alden sina Barbie at David. Pero hindi ito ang first time na makakatrabaho niya si Sanya dahil nagkasama na sila noon sa isang episode ng Magpakailanman.

Lahat naman  yata pinangarap na makasama si Alden. Nagkasama na kami sa ‘Magpakailanman.’ Napakahusay niyang artista and grabe ‘yung support niya sa ibang mga artista,” sabi ni Sanya.

Dagdag niya, “Hindi siya madamot. ‘Yun ang na-observe ko kanya.”

Kasama rin sa powerhouse cast sina Epy Quizon, Angelu De Leon, Rochelle Pangilinan, at Aidan Veneracion. Base sa panulat ni Suzette Doctolero at direksiyon ni Dominic Zapata.

Iikot ang kuwento sa mga kaganapan sa bansa noong panahon ng World War 2.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …