SAN PABLO CPS – IsangTaiwanese ang iniulat na binaril at napaslang sa San Pablo City, bandang 8:00 am kahapon.
Sa tawag na natanggap ni Pat. Mendoza, duty TOC/radio operator, may biktima ng pamamaril sa nasabing lugar.
Agad dinala ang biktima sa San Pablo City District Hospital mula sa Bgy. Del Remedio sa lungsod ng San Pablo.
Pinuntahan ng duty investigators sa Ospital gayondin sa lugar ng insidente upang i-verify ang ulat.
Sa paunang pagsisiyasat, dakong 7:20 am, si Hsien Chang, 63 anyos, Taiwanese, may Special Resident Retiree’s Visa ay nakatayo sa receiving area ng Youtofu Restaurant office, nang maganap ang pamamaril.
Isang hindi kilalang suspek ang nagpanggap na LPG delivery agent ang biglang dumating at binaril ang biktima na tinamaan sa kanang pisngi.
Agad dinala ang biktima sa San Pablo City District Hospital nang magresponde ang mga tauhan ng pulisya, ngunit idineklara itong dead on arrival ayon sa manggagamot.
Patuloy na isinasagawa ang imbestigasyon kung ano ang dahilan ng pamamaril habang inaalam ng pulisya ang tinungong direksiyon ng suspek upang makuha ang mga video sa ikadarakip ng mga suspek.
(BOY PALATINO)