Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shamcey Supsup

Netizens desmayado kay Shamcey: pagkaradikal, progresibo, at makabayan nawala

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SPEAKING of Miss Universe organization, balitang tinanggal at pinalitan na rin ang National Director ng Miss Universe-Mexico na si Lupita Jones.

Bukod kasi sa sinasabing pagkabigo nitong makapasok man lang sa top 20 ang 2023 representative nila, very vocal si Lupita sa pagbibigay pahayag tungkol sa dapat pag-ingatan ng mga ma-i-involve sa organization come 2024.

Sa Mexico kasi gagawin ang next pageant at tila hindi nagustuhan ang pahayag ni Lupita hinggil sa bankruptcy at panloloko umano ng mga nagpapatakbo  ng organisasyon. Hindi man daw nito tinukoy ang name pero ang partikular na franchise owner nitong bilyonaryang Thai trans ang tila pinatatamaan ni Lupita.

Dating Miss Universe winner si Lupita (1991) at masasabing very kritikal ito sa mga usaping pagandahan at iba pang isyu.

Hmmm which leaves us to asking kung gaano katapang o ka-palaban ang national director nating si Shamcey Supsup na tila napakababaw mag-analisa ng mga pangyayari sa katatapos na Miss Universe?

Sa totoo lang, hindi namin makita at maramdaman kay Shamcey ang klase ng pagmamahal at determinasyon ng isang Stella Marquez de Araneta noong nasa Binibining Pilipinas pa ang franchise ng Miss Universe Phils.

Sabi nga ng ilang netizen kay Shamcey, naturingan umanong taga-UP at honor graduate pa, pero waley talaga sa pagkatao nito ang pagiging radikal, progresibo, at makabayan. 

Hanggang tsunami walk lang ang claim to fame niya,” hirit pa ng mga desmayadong netizen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …