PUSH NA’YAN ni Ambet Nabus
LATE last year pa pala natapos gawin ang Linlang nina Paulo Avelino at Kim Chiu kaya’t kung tutuusin pala ay inabot ng halos one year at saka ito naipalabas sa Prime Video.
Although may tsikang by 2024 ay ipalalabas ito sa mainstream platform like in the Kapamilya channel at iba pa, mukhang hindi ganoon ang magaganap dahil bago matapos itong 2023, may panibago ng ginagawa sina Paulo at Kim.
Ito nga ‘yung Pinoy adaptation ng What’s Wrong With Secretary Kim na according sa naglalabasang promo ay by 2024 din ilalabas.
Marami ang na-excite riro lalo na ‘yung mga fan ng Korean-series. Napakalakas ng Korean series na ito and with the upcoming Pinoy version, nakatitiyak tayong bongga at baka nga mas maganda pa ito.