Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Christopher de Leon

Ate Vi at Boyet sobrang sipag sa pagpo-promote ng When I Met You In Tokyo

GRABE ang sipag nina Vilma Santos at Christopher de Leon sa pagpo-promote ng When I Met You in Tokyo.

Pagkatapos ng malaking media con, sunod-sunod din ang mga pagbisita nila sa iba’t ibang mga media network including social media vlogs and podcasts.

Naninibago man ang dalawa sa maituturing nating greatest movie legends ng bansa, kitang-kita naman sa mga ito na nag-e-enjoy.

Noong maglaro sila sa Eat Bulaga ay talaga namang lumabas ang kakulitan nila sa paghula ng mga word at nanalo pa sila.

May song and dance rin sila sa ASAP at bonggang mga interview sa ilang shows sa TV.

And yes, kung busy sila sa promo ay busy din ang mga Vilmanian o supporters ng loveteam nila sa pagpaplano ng mga block screening come December 25.

Mga certified and legit superstars na iyan ng industriya ha pero grabe pa rin ang sipag na ikampanya nila ang When I Met You in Tokyo para tangkilikin at suportahan. Iba talaga!!!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …