ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
PANGATLONG pagkakataon nang nakapasok ni Christian Bables para sa annual Mero Manila Film Festival.
Una ay noong 2016 MMFF para sa pelikulang Die Beautiful ni Direk Jun Lana na pinagbidahan ni Paolo Ballesteros. Nanalo ng ilang Best Supporting Actor award dito si Christian. Sumunod ay sa 2021 MMFF para sa pelikulang Big Night ni Direk Jun pa rin, na nanalo rito si Christian bilang Best Actor.
Kaya sa third time na may entry si Christian sa MMFF this year para sa pelikulang Broken Hearts Trip, inusisa ang tisoy na aktor kung umaasa ba siyang mananalo ng award?
Esplika ni Christian, “I did my best, I did my best. Sa lahat naman po ng mga pelikulang ginagawa ko, hindi ko ine-expect talaga kung mananalo ako ng award or hindi. Basta I do my best as an actor.
“Sana, sana… kung ipagkakaloob ni God at ng pagkakaton, thank you. Pero kung hindi, alam kong mas deserve ng mananalo, kung hindi man ako iyon.”
Ang Broken Hearts Trip ay isa sa sampung kalahok
na mapapanood sa Metro Manila Film Festival 2023 na magsisimula sa December 25.
Si Christian ay gumaganap bilang Alfred, isang host ng reality competition na “Broken Hearts Trip” na tutulong sa contestants para hanapin ang paghilom sa kanilang mga sarili. Sa huli, mapagtatanto niyang siya man ay naghahanap din ng healing.
Ito ay ukol sa limang broken hearted na members ng LGBTQIA+ at kinunan ang pelikula sa magagandang tourist spots sa Filipinas.
Interesting ang cast ng pelikula sa pangunguna ni Christian. Tinatampukan din ito ni Teejay Marquez, ng actor-director na si Andoy Ranay, Marvin Yap, Petite, Iyah Mina, at Jaclyn Jose. Kasama rin sina Jay Gonzaga, Ron Angeles, Argel Saycon, Tart Carlos, Arnold Reyes, Kevin Posadas, at Sinon Loreca.
Ang pelikula ay idinirek ni Lemuel Lorca, mula sa story ni Lex Bonife at screenplay ni Archie del Mundo,
Ipinahayag din ng award-winning actor ang pananaw niya kung bakit sila nakapasok sa annual filmfest.
Sambit ni Christian, “For me, well nasabi na nina Direk Lem at Direk Andoy ‘yung main points kung bakit siguro kami somehow nakapasok sa MMFF. Pero bukod doon, siguro iyong factor na we promised to make people happy and at the same time, realize something about themselves, about their pain, about their healing…
“Hayon, we hope na maiparating namin iyon sa mga manonood nitong MMFF 2023 entry namin na Broken Hearts Trip.”
May kaibahan ba ang gay role niya sa Broken Hearts Trip, sa mga past gay roles na nagawa niya?
Tugon ni Christian, “May kaibahan po. As much as possible, with the help na rin po ng mga directors na nakatrabaho ko, talagang isino-sort out namin kung ano ‘yung hibla na iba rito sa character na ito.
“Kasi iyong nagampanan ko po before, leaning towards the LGBT community character.
“So hayon po, mahalaga talaga na mayroon akong open communication with my directors, kung papaano ko ihihingi ng tulong. Kasi minsan, mayroon akong hindi nakikita as an actor na nakikita ng director ko,” ani Christian.
Ang Broken Hearts Trip ay joint production ng BMC Films at Smart Films.