Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Isa po akong fur daddy. Ako po si Ambrosio Sta. Cruz, 48 years old, kasalukuyang naninirahan sa Quezon City.
Nagsimula po ang hilig ko sa pag-aalaga ng fur babies nitong kasagsagan ng pandemic. Mayroon kasi kaming kapitbahay na umuwi sa probinsiya dahil nawalan ng trabaho. Mayroon siyang tatlong fur babies na ipinakiusap niyang ampunin namin ng isa pang kapitbahay kasi nga hindi naman nila maiuuwi sa probinsiya.
Sa madaling sabi, kaysa magpakalat-kalat sa kalye ang tatlong fur babies, kinuha ko ang dalawa, at ang isa pa ay sa aming kapitbahay.
Pero after three months, nagkaroon ako ng problema, nagkaroon ng skin problem ang mga fur babies. Ang sabi, baka raw napakain ko ng hamonado o kaya naman nahawa sa ibang pagala-galang aso.
Ang hirap maghanap ng beterenaryo noon para ipa-check ang skin problem ng mga fur babies. Sabi ng nanay ko maghanap daw ako ng shampoo na madre de cacao. Iyon daw ang i-shampoo ko sa mga alaga ko.
Tapos sabi niya, after ko liguan, tiyagain ko raw na maghaplos ng Krystall Herbal Oil. Gumamit daw ako ng plastic gloves para hindi ako mahawa sa fur babies.
Nakinig ako sa nanay ko, sinubukan ko.
Sa unang araw ng paghaplos, na-observe ko medyo natuyo ang mga sugat at kati-kati at pumusyaw ang pamumula ng skin nila.
Kaya ginawa ko, every other day ko sila niliguan, para maging madalas ang paghaplos ng Krystall herbal Oil.
After one week ng paghahaplos, ang napansin ko naman, parang unti-unti nang tumutubo ang kanilang furs.
Naku tuwang-tuwa po talaga ako, Sis Fely. Kung hindi ako napayohan ng nanay ko na gumamit ng Krystall Herbal Oil e baka kung ano na ang nangyari sa mga fur babies ko.
Thank you so much, Sis Fely dahil ang iyong Krystall Herbal Oil ay hindi lang pampamilya, pang-extended family din gaya ng fur babies.
Mabuhay po kayo at patuloy na pagpalain ng Diyos.
AMBROSIO STA. CRUZ,
Quezon City