DALAWANG araw bago ang halalan ay dinakip ng mga awtoridad ang isang negosyante na tumatakbong kagawad dahil sa pamimili ng boto sa Pandi, Bulacan kamakalawa.
Sa ulat na ipinadala ni Police Lt.Colonel Rey Apolonio, hepe ng Pandi Municipal Police Station {MPS kay Police Colonel Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang suspek ay kinilalang si Danilo Sebastian, 52, na residente ng Barangay Bagong Barrio, Pandi, Bulacan kung saan siya tumatakbong kagawad.
Nakumpiska mula sa posesyon ng suspek ang cash na halagang Php 35, 840.00 sa iba’t-ibang denominasyon, DSWD General Intake Sheets, at Sample Ballots.
Nang arestuhin ang suspek ay ikinakatuwiran nito na ang perang kipkip ay para sa kanyang negosyo subalit ang sample ballots na dala niya ang naging matibay na ebidensiya para siya ay arestuhin sa pamimili ng boto.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Pandi MPS para sa nararapat na disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso sa hukuman.
Kasunod nito ay nagpaalala sa publiko si P/Colonel Arnedo na ang pamimili ng boto ay isang election offense, na may kaparusahang isa hanggang anim na tao sa bilangguan. (MICKA BAUTISTA)