Tuesday , December 31 2024
Florence Sumpay Rodrigo Lumogda

2023 ROTC Games National Finals
MGA NAGWAGI SA  ALL-PHILIPPINE ARMY BOXING FINALS

Dalawang nangangarap na maging miyembro ng Philippine national team ang sumuntok ng gintong medalya sa all-Philippine Army boxing finals ng 2023 Reserved Officers Training Corps (ROTC) Games National Finals kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex (RSMC) sa Malate, Manila.

Dinomina ni Joel Efondo si Vince Lomboy sa flyweight division, habang umiskor si Florence Sumpay ng isang second-round RSC victory kay Rodrigo Lumogda sa featherweight class.

“Hindi ko inaasahan na ako ang mananalo kasi knockout artist iyong kalaban ko eh,” sabi ng 20-anyos na HRM student ng Western Visayas Institute of Technology kay Lomboy.

“Pero sa biyaya ng Panginoon ay nakuha ko iyong panalo,” dagdag ng Visayas Leg (Iloilo) gold medalist.

Ginamit naman ni Sumpay, isang Bachelor Sports Science student ng Polytechnic University of the Philippines, ang kanyang lakas para pasukuin ang mas matangkad na si Lumogda sa second round.

“Pinaghandaan ko talaga itong finals kasi ito na iyong chance kong maka-gold para sa sarili ko at para sa pamilya ko,” ani Sumpay na naghari sa National Capital Region (NCR) Leg.

Bukod kina Efondo at Sumpay, wagi rin ng gold medal sina Alfred Deslate kay Mark Paul Fernandez sa men’s bantamweight; Kristine Grace Marquez kay Riona Segundo sa women’s featherweight; at Tina Pais kay Edezza Lyne Laja sa bantamweight.

Sa women’s volleyball sa Rizal Memorial Coliseum, tinalo ng University of Cagayan Valley ang Rizal Technological University, 25-27, 25-22, 25-23, 10-25, 18-16; wagi ang Guimaras State U sa Western Mindanao State U, 25-14, 25-20, 25-14; at binigo ng PHILSCA ang NISU, 25-4, 25-13, 25-11.

Sa 3×3 basketball sa Ninoy Aquino Stadium, umabante sa quarterfinals ang Western Institute of Technology at University of Makati sa kani-kanilang 3-0 record. (PCO Public Communications Office)

About Henry Vargas

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …