Monday , December 23 2024
Bulacan Events Industry Ball for a cause

Mga Bulakenyong events professionals, nagsagawa ng kauna-unahang Bulacan Events Industry Ball for a cause

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagtipon-tipon ang mga kilalang Group of Bulacan Events Professionals (GBEP) sa pinakahihintay at pinaka-engrandeng Luxe Noir Tropical Gala sa isinagawang 1st Bulacan Events Industry Ball para sa Nazareth Home for Children na ginanap sa Leticia’s Garden Resort and Events Place, Calumpit, Bulacan kamakailan. 

Kasama ang kanilang Co-Founder at Chairman Katrina Anne Bernardo-Balingit at iba pang mga opisyal at miyembro ng GBEP katuwang ang Richgold Weddings, 50 na may-ari ng malalaking wedding supplier sa loob at labas ng lalawigan na binubuo ng event plannerscoordinatorsevent stylistscouturiermake-up artists at iba pa ang dumalo sa event for a cause kung saan ang P50,000 na parte ng kinita sa event ay ipinagkaloob sa Nazareth Home for Children sa Bustos, Bulacan bilang napiling benepisyaryo.

Nangako naman si Bise Gobernador Alexis C. Castro na ibibigay niya ang kanyang buong suporta sa industriya ng event planning lalo na at magbibigay ito ng benepisyo sa publiko.

“Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa pangunguna ng ating People’s Governor Daniel R. Fernando, ay kinikilala ang ambag ng industriyang ito sa pagpapaunlad ng turismo ng ating lalawigan. Sa pamamagitan ng inyong husay, galing, at talino ay nakikilala ang mga Bulakenyo sa pagiging malikhain sa larangan ng disenyo at sining. Higit sa lahat, nabibigyan natin ng hanapbuhay ang ating mga kababayan,” anang bise gobernador.

Kabilang sa mga dumalo ay ang mga may-ari at kinatawan mula sa Richgold Weddings, City of Dreams Manila, LasCasas Filipinas De Acuzar, Nice Print Photography & Exige Weddings, Manila Marriott Hotel, La Jolla Luxury Beach Resort, Sofitel, Philippine Plaza Manila, Juan Carlo – The Caterer, Inc., La Bistecca Malolos Bulacan, millhouse.ph, Alma San Pedro’s Catering and Services, CAMP Resort, The Grass Garden Resort and Villas, Cocktails To Go, Leticia’s Garden Resort, CODE ONE PRO, Beautiful Occasions Philippines, CoandCo, Silvestre’s Events and Exquisite Style, Events Extraordinaire by Ige Cruz, Diamant Celebrations, Casa Burgos, Kerubin Restaurant & Catering Services, Styled Events by Eena Hernandez, LX Events Pro, Audiokid Philippines Inc., 1touch lights n sounds, Shop Rent Gala, Forrent, PJ Dayag Photography, Photo Connection, Rowel Christopher Cayas, Bill Dayao, Event Hosting by Shaine, Muzik Fresco, Ramcy Tirona, Cifra Band, Weekender Studio.PH, Mixpix, The 360 Project, VON DEL perfume, Bethina’s Bakeshop, Grazing Bulacan, The MonsterMaki, Ruel Pasobillo, Muster Bean, Dred Postigo Makeup at Tammy Aldaba Tengco Atelier.

Ang 1st Bulacan Events Industry Ball ay naging posible sa pamamagitan ng pagsisikap ng Founder at Ext. Vice President nito na si John Llona ng Beautiful Occasions at Little Darlings Party Specialist sa ngalan ni Co-Founder at President Ige Cruz, may-ari ng Events Extraordinaire sa Marilao, Bulacan.

Nagpahayag naman ng pagbati si Cruz sa mga miyembro at opisyal ng GBEP para sa isang matagumpay na grand event sa pamamagitan ng video message.{Micka Bautista}

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …