Monday , December 23 2024
Plaridel Super Health Center DOH

 DOH: Plaridel Super Health Center, target buksan sa Disyembre 2023

Target ng Department of Health o DOH na matapos ang konstruksiyon ng Plaridel Super Health Center sa Disyembre 2023.

Sa ginawang inspeksiyon at topping-off ceremony na pinangunahan ni Senador Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, chairman ng Senate Committee on Health, naiulat ng ahensiya na nasa 50% hanggang 60% na ang nagagawa sa istraktura ng magiging Super Health Center na itinatayo sa barangay Sto. Nino sa bayang ito.

Ayon kay Engr. Fernando Guanzon, chief administrative officer ng DOH-Region III, may halagang P12 milyon ang inilaan ng DOH para sa proyektong ito sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program o HFEP ng ahensiya.

Sa loob ng nasabing halaga, P10 milyon ang ginugugol sa mismong isang palapag na istraktura na may laking mahigit 400 square meters ang floor area. 

Habang P2 milyon naman ang inilaan para sa mga kailangang kasangkapan at kagamitan dito.

Kinapapalooban ang Plaridel Super Health Center ng inisyal na mga pasilidad para sa panganganak, minor surgical, dental, pharmacy, laboratory at ward.

Sinabi ni Plaridel Mayor Jocell Vistan-Casaje na ang Plaridel Super Health Center ay itinatayo sa nasa dalawang ektarya na donasyong lupa ng isang real estate firm sa Pamahalaang Bayan ng Plaridel.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Senador Go na sadyang itinatayo ang mga Super Health Centers na may malalapad na espasyo o lote upang uubra pang mapalaki ang pasilidad kung kakailanganin sa hinaharap. 

Nakahanda rin aniya ang mga pundasyon nito upang uubrang mapatungan ng isa pang palapag sa itaas.

Sa oras na makumpleto ang konstruksiyon at kagamitan, isasalin na ng DOH ang kapangyarihan at pananagutan sa pamahalaang lokal upang mapamahalaan, mapangalagaan at mas mapabuti ang pasilidad na ito.

Samantala, kabilang ang Plaridel sa 14 na mga bayan at lungsod sa Bulacan na pinatayuan ng DOH ng mga Super Health Centers ay ang San Ildefonso, San Rafael, Baliwag, Plaridel, Angat, Marilao, Obando at Paombong na pinondohan ng Pambansang Badyet ng 2023. 

Nakapagtayo na rin nito noong 2022 sa San Miguel, Bulakan, Guiguinto, Balagtas, Pandi at sa San Jose Del Monte.{Micka Bautista}

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …