Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Lani Mercado

Lani ‘di nagpatalbog kay Bong, sumayaw-kumanta  sa ika-50 anibersaryo ng asawang senador

IPALALABAS sa Sabado, Oktubre 7, 8:00 p.m., sa GMA 7 ang TV Special sa ika-50 anibersaryo ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. sa showbiz.

Ginanap ang selebrasyon  noong Lunes, Setyembre 25 na mismong birthday ng senador. 

Dumagsa ang mga sikat na showbiz at political personalities sa  selebrasyong may temang ‘Idol ko si Bong’. Liban sa programa, nagkaroon ng display ng mga memorabilia mula sa kanyang mga pelikula. 

Dagsa rin ang media na nag-cover sa mga celebrity na rumampa papasok ng venue suot ang kani-kanilang gown at tuxedo.  

Sa pagpasok sa venue, sumalubong ang mga banda at kilalang singers na umawit habang hindi pa nagsisimula ang pagdiriwang na dinaluhan ng mahigit sa 1,000 katao kabilang ang mga Senador at mga Congressman.  

Maraming masasayang nangyari — lalo na ang presentasyon ng pamilya, mula sa mga anak hanggang sa mga apo na naghanda ng kakaibang presentasyon para kay Sen. Bong. 

Glamorosa ang pagdiriwang — pag-aasikaso at pagsalubong sa mga artista at politiko at iba pang mga namumuno sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. 

Nagpapasalamat ako kina Boss Vic Del Rosario at Direk Carlo J. Caparas para sa aking unang starring role, kay Mother Lily Monteverde, at producers na nagtiwala, sa aking mga naging direktor sa mahigit 100 pelikulang aking nagawa, sa GMA 7 lalo na kina Sir Felipe Gozon, Sir Jimmy Duavit, Annette Gozon at Joey Abacan, na sumugal sa akin para pumasok sa telebisyon, at sa mga nakasama kong mga artista na naghatid ng kasiyahan sa mga manonood,” ani Bong.

Pinasalamatan din ni Sen. Bong ang lahat ng kaniyang leading ladies, mga tao sa likod ng kamera — scriptwriters, staff at crew, stuntmen, production designers  at effectsmen, PR at AdProm kasama ang showbiz press at writers.  

Dumalo ang malalaking bituin tulad nina Maricel Soriano, Erik Matti, Vic Del Rosario, Marlon Bautista, Roselle Monteverde, William Lao, Mac Alejandre, Annette Gozon-Valdez, Lolit Solis, Jay Santiago, Felipe Gozon, Ronald Asinas, Beauty Gonzales, Sunshine Cruz, Jean Garcia, Ara Mina, Sanya Lopez, Rochelle Pangilinan, Rabiya Mateo, Tirso Cruz III, Christopher de Leon, Gardo Versoza, Roi Vinzon, Nino Muhlach, Betong Sumaya, Long Mejia, Ogie Diaz, Jillian Ward, Robin Padilla, Philip Salvador, Jinggoy Estrada, Lorna Tolentino, Amy Austria, Isabel Rivas, Iza Calzado at marami pang iba.  

Nagpadala ng video greetings sina Dingdong Dantes, Judy Ann Santos, Aiko Melendez, Regine Velasquez, Vilma Santos atbpa.

Hindi nagpatalo ang tila hindi tumatandang maybahay ni Sen. Bong na si Lani Mercado-Revilla sa napakaganda niyang gown, na  sumayaw at naghandog din ng maraming awitin. Pinalakpakan nang husto ang duet nila ni Sen. Bong. 

Ilan din sa mga dumalo sina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri at napakarami pang politiko. 

Nanawagan si Sen. Bong na panoorin ang television special ng GMA 7 sa Sabado, Oktubre 7, 8:00 p.m., selebrasyon matapos ang pananahimik ng showbiz industry dahil sa pandemya, na ngayo’y nagkaroong muli ng isang malaking pangyayari. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …