Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LA Santos Maricel Soriano Roderick Paulate

LA Santos nag-workshop para sa pelikula nila nina Maricel at Dick

MA at PA
ni Rommel Placente

NAPANOOD na namin ang teaser ng pelikulang In His Mother’s Eyes mula sa 7K Studio na bida sina Maricel Soriano, Roderick Paulate, at LA Santos at sa direksiyon ni FM Reyes.

Sa pelikula ay gumaganap sina Maricel at Roderick bilang magkapatid. At si LA naman ay bilang anak ni Maricel na isang special child.

In fairness, ang husay ng tatlo sa pelikula. 

Sa confrontation scene nina Maricel  at Kuya Dick, lutang na lutang ang kanilang pag-arte. Hindi sila nagpakabog at nagsapawan. 

Si LA rin ay nagampanan ng buong ningning ang kanyang role. Para talaga siyang isang tunay na special child. Na ayon sa kanyang Mommy Flor ay dumaan muna sa acting workshop bago isinalang sa shooting ng kanilang pelikula para maging effective sa kanyang role, na nangyari naman.

Intended ang pelikula sa Metro Manila Film Festival 2023. Sana ay mapili ito ng screening committee ng taunang film festival.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …