RATED R
ni Rommel Gonzales
TINUTUKAN ng sambayanan ang pagbabalik-primetime ng phenomenal love team nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco sa Maging Sino Ka Man.
Usap-usapan sa social media ang pilot episode nito noong September 11. Trending sa Twitter ang #MSKMWorldPremiere, #MagingSinoKaManGMA, #BarbieForteza, at #DavidLicauco.
Komento ng ilang netizens sa GMA Drama Facebook page, “Deserved! Congratulations! Sobrang ganda ng pagsisimula parang sine! Magaling ang buong cast especially BarDa. Unexpected ang acting ng action king na si David! Pang-Best Actress talaga si Barbie! Salamat sa pagpapasaya at pagpapakilig worldwide!”