Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Domingo de Dolores Pakil, Laguna Sun Ring Rainbow

Sa Pakil, Laguna
IKA-235 PAGDIRIWANG NG DOMINGO DE DOLORES MGA DEBOTO GINULAT NG MALA-KORONANG SINAG NG ARAW

PINAG-ALAB ang pananampalataya ng mga deboto nang sila’y gulatin ng mala-koronang sinag ng araw na nasa loob ng isang malaking bilog na liwanag sa kalangitan pagkatapos ipasok ang imahen ng Nuestra Señora de los Dolores de Turumba sa San Pedro de Alcantara Parish, Diocesan Shrine of Our Lady of Turumba, sa Pakil, Laguna kahapon.

Ang pagdiriwang ay kaugnay ng ika-235 anibersaryo ng pagkakatagpo sa larawan ng Mahal na Birhen ng Hapis ng Turumba.

               Tinaguriang “The Longest Religious Festival in the Philippines” sa Pilgrimage Capital of Laguna, ang Domingo de Dolores ay isang linggong paggunita sa mga pitong hapis ng Birheng Maria.

Nitong 15 Setyembre 2023, ginanap ang Kanonikal na Koronasyon ng Nuestra Señora de los Dolores de Turumba sa pamamagitan ng Pontifical Mass and Coronation Rites na pinangunahan ni H.E. Rev. Charles John Brown, D.D., Apostolic Nuncio sa Filipinas, sa San Pedro de Alcantara Parish, Diocesan Shrine of Our Lady of Turumba sa bayan ng Pakil.

Sa pinakamalapit na Linggo, ipinagdiriwang ng mga deboto ng Mahal na Birhen ng Hapis ng Turumba ang araw ng pagkakatagpo sa orihinal at mapaghimalang larawan ng Birhen ng Hapis sa pampang ng Lawa ng Laguna.

Sa Bisperas ng Kapistahan, isinasagawa ang kampanaryo sa tapat ng simbahan sa ganap 6:00 pm. Ito ang nagsisilbing huling kampanaryo sa karangalan ng Birhen ng Turumba bilang pagtatapos sa tradisyonal na pista.

Pagkatapos ng unang misa sa pagdiriwang ng Domingo de Dolores, pumupunta ang mga deboto sa pampang ng lawa upang masaksihan ang pagsasadula ng biyaya ng pagkakatagpo sa larawan.

Dito ay sinasariwa ang pagkakatagpo sa banal na larawan hanggang maiangat ni Padre Miguel Soriano ang larawan ng Mahal na Birhen ng Hapis kung kailan naganap ang unang Turumba sa bansa.

Mula sa lugar na kung tawagi’y “Estaca,” ang mga deboto ay masayang magpuprusisyon patungo sa simbahan upang dumalo na rin sa pagdiriwang muli ng Banal na Misa.

Sa pagpasok ng Mahal na Birhen ng Turumba sa Simbahan matapos iprusisyon sa kabayanan, kumukuha ang mga tao ng mga bulaklak na nakasabit sa andas ng imahen upang dalhin sa kanilang mga tahanan at ipamigay sa mga kasamang hindi nakarating.

Susundan ito ng pamamaalam sa Birhen ng Turumba bilang pagtatapos ng kanyang pista sa buong taon. Magtatapos ang pagdiriwang sa Beso Manto o ang pagpapahalik sa balabal ng Mahal na Birhen bago muling ibalik sa kanyang retablo.

Ang ilang deboto ay dumaraan muli at umiigib ng tubig sa Panghulo bilang bahagi ng kanilang pagdedebosyon.

Ang “Domingo: ay salitang Español na nangangahulugang “Linggo” at ang “de Dolores” ay “ng mga hapis.” Kung kaya’t ang ibig sabihin ng Domingo de Dolores ay “Linggo ng mga Hapis” na gumugunita sa pitong hapis ng Birheng Maria.

Binigyang-diin sa huling Turumba sa puso, isip, at kaluluwa ng mga deboto ang kabuuan ng buhay ng Mahal na Birheng Maria. Pinagninilayan sa Domingo de Dolores ang kanyang mga pinagtiisang hapis bilang pakikibahagi sa kaligtasang dala ng kanyang Mahal na Anak na si Hesus.

Ang Domingo de Dolores ang lakas na magiging baon ng mga deboto hanggang sa susunod na taon na muling magkakatagpo-tagpo para sa Birhen ng Turumba. (BOY PALATINO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Boy Palatino

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …