Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Apple Dy

Apple Dy, tuloy-tuloy paghataw ng showbiz career

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TILA ayaw paawat ang Vivamax sexy actress na si Apple Dy sa paghataw sa kanyang showbiz career.

Last week ipinalabas sa Vivamax ang pelikulang Punit na Langit na tampok sila Tiffany Grey at Apple, Ngayong Friday ay magsasabog muli ng alindog ang sexy actress via the movie Patikim-Tikim (Choose(y) Me).

Kasama ni Apple sa pelikula para magpainit nang todo sa mga barako sina Chloe Jenna at Yen Durano. Maso-solb nang todo ang mahihilig sa pelikulang pampainit dahil simula pa lang ay matinding ‘bakbakan’ agad ang bubulaga sa manonood dito.

Ang Patikim-Tikim ay isang sexy-comedy film na pinamahalaan ni Direk Jose Javier Reyes, streaming exclusively sa Vivamax ngayong Sept. 15, 2023. Tampok din dito sina Aerol Carmelo at Jaggy Lejano.

Nalaman namin kay Apple na ngayong taong 2023 lang siya pumasok sa pag-aartista, kaya bale six months pa lang siya sa mundo ng showbiz.

Kuwento ng seksing-seksing si Apple, “This year, March 2023 ako naging part ng Pantaxa Laiya, my manager (Nielzen Noel Muyco) asked me to audition/gosee in Viva. 

“Nag-extra ein po ako before sa mga teleserye when I was in high school. 

Naka-ilang projects na siya at puro Vivamax ba?

Saad ni Apple, “Bale five projects po, all Vivamax. Dalawang series, Pantaxa Laiya at High on Sex 2 at three movies, ito po ang Punit na Langit, Patikim-Tikim, at  upcoming ko ‘yung movie na Tuhog.” 

Nabanggit din ni Apple kung ano ang pinagka-abalahan niya bago naging artista.

Sambit niya, “Ako’y naging brand ambassador, print ad model, ramp model, at singer, Kumakanta po ako before sa lounge bars and malls for guestings. 

“I have businesses din po like restaurant and franchise, at Anytime Fitness – Boni Serrano branch, And I will open a Cat Cafe this October,” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …