Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
00 Onins Thought Niño Aclan Logo

Senado ala-FPJ kung umaksiyon sa 2024 nat’l budget

ONIN’s THOUGHTS
ni Niño Aclan

SADYA talagang mabilis umaksiyon at kumilos ang senado. Kung sa pelikula, parang FPJ kung bumunot ng .45, walang mintis.

At iyon ang gustong tiyakin ng mga inihalal nating senador, hindi dapat reenacted ang budget para sa taong 2024.

Kaya hayan, maaga pa ay isa-isa nang tinatalakay ang mga panukalang budget ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan gayondin ang tanggapan ng Pangulo at ikalawang Pangulo.

‘Yan ay dahil masipag din siguro at laging nakabantay ang pinuno ng Senate Committee on Finance na si Senador Sonny Angara.

Mahigpit na binubusisi ng mga miyembro ng komite ang bawat budget ng ahensiya ng pamahalaan at maging ang intelligence fund at confidential funds na hinihingi ng tanggapan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ay hindi nakalusot sa pagbusisi ng mga senador.

Ngunit sa huli ay kanila rin naman itong inaprobahan bilang kortesiya sa tanggapan ng bise-presidente ngunit ang tanong ‘pag sa plenaryo kaya ay wala nang magaganap na pagbusisi ukol dito?

Basta target ni Senador Angara, bago matapos ang taon ay tapos na ang 2024 proposed national budget para malagdaan na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. 

Onin, huwag kang kukurap!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …