PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
O ‘di ba. marami ang na-vindicate at natuwa sa ginawang aksiyon ng Facebook sa pag-ban nito sa socmed account ng paandar at pa-kontrobersiyal na vlogger na si Rendon Labador.
Wala na kaming idadagdag pa sa tuwang ito dahil baka lumaki pa ang ulo ng vlogger.
Dasal lang namin (sana nagdarasal din ang hitad) na maging wake up call ang ganitong pangyayari sa kanya lalo’t ang pag-project niya sa socmed ay siya lang itong matalino, may concern at nakakikita ng mga mali-mali sa industriya.
Sa dinami-rami ng pinatulan niyang celebrities, issues at iba, it’s about time for Rendon to learn and understand, na hindi sa iyo ang mundo iho.
Na ang kadaldalan, pagtatalak, pagsaway, pagtuligsa at pag-iingay ay may tamang oras at venue rin.
Again, hindi lang sa iyo ang mundo pasikat na Rendon, tandaan mo iyan.