Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ali Asaytona Jose Javier Reyes Angelica Hart

Ali Asaytona, biggest break nakamit sa Vivamax series na Secret Campus

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MASAYA ang newbie actor na si Ali Asaytona sa nangyayari sa kanyang showbiz career.

Marami siyang dapat ipagpasalamat, una na rito ang pagiging Viva contract artist niya. Pangalawa ay ang una niyang project sa Viva at ang isa pa ay manager niya ang kilalang choreographer na si Geleen Eugenio.

Panimulang kuwento ni Ali, “Ang project ko po ngayon ay isang series na under ng Viva at mapapanood nila ito sa Vivamax. Ang title po ay Secret Campus, directed by Jose Javier Reyes.

“Ito po ay isang sexy-anthology, mayroon itong four episodes at mapapanood po nila ako sa Eunice episode.  Mapapanood na po ito this coming August 27, starring Azi Acosta, Angela Morena, Ataska, Angelica Hart, Armina Alegre, Victor Relosa, Enzo Santiago, at iba pa.

“Ibang-iba ‘to sa mga ginawa ko, something different talaga ang mapanood nila at huwag nilang masamain sana dahil ginampanan ko lang po ‘yung role ko rito.”

Nabanggit din niya kung paano siya napunta sa Viva. “It’s a long story po e, but to make it short, kasi kasama ako sa male group artist noon na GMen na binuo nila Tita Geleen Eugenio and company. Nakapirma na kami ng contract under Viva pero hindi po natuloy kasi nag-conflict sa mga schedules at opportunities that time, kaya kami nagkawatak-watak at hindi na natuloy ang grupo namin.

“Hanggang sa nagpa-release po ako, tapos, nag-pursue pa rin ako ng passion ko in acting and sometimes in modeling. But ‘yung craft na gusto ko is umarte talaga, kaya nag-focus ako rito at nag-freelancer. Until, I realize early this year ang hirap pala kapag walang humahawak sa iyo at walang magga-guide ng career mo, kaya kinausap ko po si tita Geleen about my status at sakto na ang Vivamax ay naghahanap ng mga bagong actors.

“Kaya, I grab the opportunity na rin at pinasok niya ulit ako sa Viva Artists Agency. Bale si tita Geleen ang manager ko ngayon,” masayang sambit pa ni Ali.

Ipinahayag din ng aktor na itinuturing niyang biggest break ang seryeng Secret Campus, “Yes po, biggest break ko ito kasi rito ko naramdaman na artista na ako talaga, kung paano sila mag-alaga at magtrabaho dito. Nandito talaga ‘yung commitment at pinaghandaan ko po talaga ito, kasi first project ko ‘to sa Viva at ang direktor namin, si Direk Joey pa,” sabi pa ni Ali.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …