TIYAK na marami ang makare-relate sa kuwento ng isang dalagita na nangako sa isang ‘dying mother’ na aarugain ang tin-edyer nitong anak sa isang mayamang Chinese businessman, na mayroong ibang asawa.
Iyan ang kuwento ng Dahil Sa ‘Yo na iikot sa struggle ng pag-aaruga sa kaugnay na mga usapin sa kayamanan, mana, na hinaluan ng pagtataksil at kasinungalingan, hanggang sa sakripisyo at pagmamahal.
“Pinoy na Pinoy. Very relatable at kahit ang setting pa ay old Chinese culture and tradition, mae-engganyo kayong sumubaybay dahil sa tema ng pag-ibig at sakripisyo,” kuwento ng mga taga-Regents Food Corp., na silang nagdala ng C-drama o Chineseryeng Dahil Sa ‘Yo sa bansa.
Sa pakikipag-tulungan sa AMBS Network na AllTV, binusisi ng parehong mga kompanya ang mga isyu sa teknikal, editing, at pagkuha ng mga voice talent para mas maihain sa Pinoy televiewers and wastong sangkap at emosyon ng C-drama.
Gabi-gabi ninyong mapapanood sa All TV Channel 2 sa free TV, channel 35 sa SKY cable at Cignal, at kung mga digital boxes ang gamit ninyo gaya ng ABS-CBN TV plus, Affordabox at Sulitbox, nasa channel 31.4 DDT ito. (Ambet Nabus)